martin's POV
maaga akong gumising para mayaya si chloe na magbreakfast, gusto ko na umiwas sa paggawa ng kalokohan tulad ng paghalik sa leeg nya at kung ano ano pa. Deserve nya maitrato na damang dama nya yung respeto.
"babe, wake up na. Breakfast tayo sa baba" gising ko sa kanya at bumangon din sya agad at nagayos lang tsaka kami bumaba
magkaharap kami ay hinawakan ko ang kamay nya "you look so beautiful" sabi ko sa kanya at nakita ko syang ngumiti
"thank you" sabi nya sakin tsaka nagsmile. damn! that smile! i like it! lalo syang gumaganda pagngumingiti. inilagay ko ang buhok nya sa likod nang tenga tsaka ko sya nginitian
"sorry sa pagiging clingy ko, pagdi ka comfortable sabihin mo sakin and i wont force you" sabi ko sa kanya
"ok lang sakin yung pagiging clingy mo actually i find it cute, ang swerte nang magiging girlfriend mo" sabi nya sakin
"pero mas swerte ang magiging boyfriend mo at sadyang di lang marunong magmahal si harvey" sabi ko sa kanya
ilang minuto lang ay sinerve na ang pagkain "how bout we extend our stay here?" tanong ko sa kanya at tinignan lang nya ako
"malaki lang gastos pagandito tayo, dapat magtipid ka. tsaka sa condo nalang magstay diba atleast dun walang daily charge ng room" sabi nya kaya um-oo nalang ako
paakyat na ulit kami ng kwarto, di ko hinahawakan ang kamay nya kaya nagulat ako ng sya ang humawak sakin. Siguro gusto ko subukan kung magtataka ba sya pagnawala ang pagiging clingy ko
dumaan muna kami sa kwarto ni carl "ate, kuya" bati ni carl samin "naayos mo na gamit mo?" tanong ni chloe sa kanya
"yes po tapos na" pagsabi ni carl ay umalis din kami ni chloe at pumunta na sa room. tulog pa silang lahat at natawa si chloe nang makita nya yung hickey ni mica
pero mas nagulat kami nang makita na nakayakap na si lexi tsaka si eric sa isa't isa, kinuha ni chloe ang cellphone nya at pinicturan sila tsaka ko kinuha yung akin at tinawag nya para magselfie
di ko ugali ang magupload nang magupload pero kahit selfie lang namin ni chloe inupload ko na at nilike nya agad yun
nakaupo lang ako at naupo sa tabi ko si chloe tsaka niyakap yung braso ko na tinanggal ko din dahil inakbayan ko sya, di ko magawa na balewalain sya na nasa tabi ko
"naayos mo na gamit mo?" tanong nya sakin "ayos naman lahat ah" sagot ko sa kanya tsaka nya nakita yung inupload ko
"bat mo inupload? ang aga aga nang peslak ko dyan oh" sabi nya kaya ngumiti lang ako "ang ganda mo dyan, fresh na fresh ang itsura" sabi ko sa kanya
"wala na akong magagawa nakita na ng friends mo yan eh"sabi nya kaya tumawa nalang ako
tinignan pa nya yung inupload ko "uyy gagi! kita yung kiss mark oh" sabi nya tsaka ako hinampas
di ko alam pero natawa nalang ako "idedelete ko nalang" sabi ko tsaka sya hinawakan sa pisngi at ngumiti
dinilete ko talaga yung picture dahil baka may makapansin nito "shower lang ako" sabi nya tsaka kinuha ang towel at nagcr
paglabas nya ay nakasando syang black at short na nakatuck-in tsaka nya tinanggal ang twalya sa ulo nya
"nakapagbreakfast at nakapagshower na ko tulog pa din tong limang to" sabi nya habang may hinahanap sa bag
Nang makuha nya ang dalawang make-up na di ko alam ang tawag at ang brush nya ay bumalik na sya sa cr
paglabas nya ay nakapony na ang buhok nya at pagtingin ko ay natakpan na nya yung kiss mark, nagshower na din ako
pagtapos ko maligo ay tinawag ko sya tsaka nagyaya na magpicture, ginamit namin ang stand at inilagay sa tv tsaka ko nilagyan nang timer
madami kaming pictures at namili ako nang magaganda at inupload yun, di ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para maglagay ng caption
roses are red, violets are blue, I am truly, madly, inlove with you
pagpost ko ay di ko magawang iedit at nakita ko na nakita na nya "himala nagcaption ka" sabi nya tsaka ako tumawa
di ko alam pero may inis akong naramdaman kasi di nya manlang binati yung nakalagay, napansin lang nya yung minsanan ko pagcaption
"kanina pa kayo gising?" tanong ni hannah nang magising "oo teh! nakapagbreakfast na kami tsaka nakashower na kami tulog padin kayo" sabi ni chloe sa kanila
"ang sakit ng ulo ko" sabi ni hannah habang hawak ang ulo tsaka natulog ulit "di naman sanay uminom yang dalawa eh" sabi ni chloe habang inaayos yung bag
lumapit ako at niyakap sya mula sa likod "mamaya na yan, inaantok din ako eh" sabi ko tsaka sya tumigil sa inaayos nya
nahiga kami at natulog, ako yung nagyaya matulog kasi inaantok pero mas nauna pa sya makatulog
BINABASA MO ANG
I'm his pretend girlfriend
Literatura FemininaChloe Eloise Suarez, simple girl na laging deans lister at scholar kaya naman ay strict ang kanyang parents in means of relationship but she's in a secret relationship with the campus crush Harvey Lim, barkada lang ni harvey ang nakakaalam nun and c...