chapter 23

177 9 0
                                    

chloe's POV

habang kumakain kami ay napapansin ko na nagngingitian si carl at ang babaeng katabi nya. Actually, si martin ang unang nakapansin at sinabi nya lang sakin

napapansin ko din na iba yung tinginan nung magkakaibigan, syempre alam ko yun dumaan din ako sa pagiging high school

"teka nga! may gusto ba kayong sabihin?" sabi ko sa kanila at hinawakan lang ni martin ang kamay ko

"babe, hayaan mo na sila" sabi ni martin tsaka nagsalita si carl kaya lahat kami ay tumingin sa kanya

"ate chloe, kuya martin" sabi nya tsaka kumamot sa ulo at tumingin sa babae sa tabi nya and that is where i get the idea 

"alam ko na" sabi ko at mas hinigpitan ni martin hawak sa kamay ko "kelan pa?" tanong ko at nagulat ang lahat

lahat nakatingin at tumigil sa pagkain "malapit na magthree months" sabi ni carl at tinanong ni martin kung ano pangalan "gail po" sagot naman nung babae

nakikita na namin ni martin ang takot sa mata nung dalawa kaya ngumiti ako "salamat naman at pinakilala mo" sabi ni carl na nakahinga na ng maluwag

nagngitian kami ni martin tsaka ako tumayo at lumapit kay gail "welcome to the family gail" sabi ko tsaka sumenyas nang yakap at agad na tumayo ito tsaka ako niyakap

"thank you po" sabi nya tsaka ako bumalik sa upuan ko "kain na ulit!" sabi ni martin tsaka kami nagkainan

ang sweet ni gail at carl sa isat isa "hinay hinay sa kasweetan" pangaasar ko sa kanilang dalawa "nanggaling kay ate" sabi ni carl kaya napatawa nalang kami ni martin pati si mark at mica

pagkatapos kumain ay pumunta kami sa music room, malaki ito at kahit na marami na kaming andito ay maluwag pa din

"martin wag kang magsolo dyan! mamaya na lambingan! niyaya mo ko magjam tas di ka tutugtog" sabi ni mark

"tugtog lang ako" paalam sakin ni martin tsaka kumindat at pumunta sa drums "ano naman tutugtugin?" tanong ni martin

"alam nyo po yung two steps behind?" tanong nang kaibigan ni carl "wag mo na kami i-po kung titignan naman magkakasing eded lang tayo" sabi mark

"sige yun nalang tugtugin natin" sabi ni martin na nasa drums habang si mark ay nagbabass guitar, si carl naman ay nagpapiano at ang isa nyang kaibigan ay magigitara. duet naman yung babae at lalaki na kakanta

nakaupo kami at katabi ko si mica pati si gail, sumenyas si martin na video kaya kinuha ko yung phone sa bag ko at may inabot sya na tripod kaya lumapit ako

"mangangawit ka paghawak mo" sabi nya tsaka inabot ang dalawang tripod, yung cellphone ni martin ay nilive ko habang yung cellphone ko ay video lang

"game" sabi ko tsaka pinindot ang button kasabay nang pagtugtog nila tsaka ako naupo sa tabi ni mica at ni gail na tahimik lang na nakaupo

"ate una na po ako, baka po kasi hanapin ako sa bahay, late na po kasi" sabi ni gail sakin "sige pero teka intayin mo ko" sabi ko tsaka tumayo at lumapit kay martin

nasa gilid lang ang drums kaya hindi ako nahirapan na lapitan sya "uuwi na daw si gail" sabi ko sa kanya "hatid natin sya" sabi ni martin tsaka tumigil 

"carl! uuwi na daw girlfriend mo" sabi ko tsaka nilapitan ni carl "tara na hatid ka na namin" sabi ni martin at agad kaming lumabas at sumakay nang sasakyan

tinuturo lang nila kung saan ang daan at sinusunod lang ni martin "yan ba alam sa inyo gail" tanong ko at tumango sya

"nanliligaw palang po si carl alam na samin" sabi ni gail "buti pa sa inyo alam na nanliligaw yang si carl, nako kami walang kaide-idea" sabi ko tsaka sila tumawa

"bakit ate di nga din namin alam na nililigawan ka ni kuya martin eh" depensa naman ni carl kaya pati si martin ay napatawa

pagtigil namin sa harap ng bahay ni gail ay wala pang kumibo "carl di mo ba pagbubuksan ng pinto girlfriend mo?" tanong ni martin tsaka lang bumaba si carl

"lutang" sabi ko tsaka kami tumawang tatlo at nagbukas ang pinto sa tabi ni gail "bye po, thank you po" sabi nya tsaka bumaba at sumakay si carl

binaba lang namin ang bintana tsaka kumaway kay gail "alam mo carl! dapat pinagbubuksan mo ng pintuan yan tsaka di yung puro lambing tsaka yakap, tignan mo ate mo laging nakadikit sakin" pangaasar nya sakin

"ang kapal nito! ikaw nga tong nagrereklamo pagtinatalikuran kita pagmatutulog tapos laging nakadikit, gusto laging nakahawak" sabi ko habang tumatawa 

"teka mabalik tayo, kelan mo balak sabihin kila mama" tanong ko at nagkibit balikat lang sya bilang pagsabi nang di nya alam 

"ititigil ko na allwance mo, ipangdadate nyo lang yun eh. saktong baon lang ibibigay ko" sabi ko at nakita kong nagulat sya 

"carl, kukunin ko muna yung card baka magalit pa tong ate mo sakin" sabi ni martin tsaka inabot ni carl ang card

kinuha yun ni martin at inabot sakin "ikaw na muna magtabi" sabi ni martin kaya nilagay ko yun sa wallet ko

"dun nalang kayo matulog, gabi na din. Yung mga bata pinahatid ko na kay butler ang andun nalang si mark at mica na may guest room na, sa kabilang guest room nalang si carl" sabi nya kaya um-oo nalang ako

alam ko din na pagod to si martin kaya mas mabuti pa na dun nalang kami matulog dahil may kwarto naman pala

hindi na kami nagdinner dahil busog pa kami kaya dumeretso nalang kami sa kwarto ni martin

may ibinigay sya sakin na bag na may damit at tinabi ko muna yun para iupload ang video kanina nung tumutugtog sila

gabi na at pagtingin ko sa labas ay dim lights nalang sa buong paligid kaya nagcr na ako, yung cr ay nasa loob ng kwarto ni martin

"shet" napasabi nalang ako nang makita ko na may red spot sa panty ko "babe? ano nangyayari? ok ka lang ba?" tanong ni martin na nasa labas

"bigla akong nagkaroon" sabi ko "what do you need?" tanong nya kaya sinabi ko na napkin kaso ay wala syang katulong na mahingian 

"wait for me, magmomotor nalang ako" sabi ni martin at narinig ko ang pagharurot ng motor palabas sa gate after ilang minutes

ilang minuto lang ay nakarating na sya dito kaya nakapagbihis na ako

I'm his pretend girlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon