★ C H A P T E R T W E N T Y T W O ★
†††
ISANG ARAW na ang nakalipas matapos ang pagsabog sa Greenville University kung saan nasa anim ang namatay at tatlo ang sugatan. Naging usap-usapan sa buong pilipinas ang nangyari at pati ibang bansa nakisali sa usapan, na may nakapasok na terrorist sa bansa.
Isang malaking sekreto pa din ang underground society sa bansa. Hindi naman sila masugpo ng pulisya dahil iisa lang ang kalalabasan ng lahat, mamamatay sila kapag sumugod sila sa kampo ng mga ito.
Kaya nangkaroon ng batas noon na, hindi sila pwedeng mangielam sa opersyon ng isa't-isa. Binuo ito, 20 years ago at pinirmahan, 16 years ago. 4 years rin pinagaralan ang batas, para maiwasan ang ano mang problema.
"Aalis kana?" Napaangat ng tingin si Ellie nang marinig niyang may nagsalita, si Zei na nakasandal sa pinto. Inaayos ni Ellie ang gamit niyang dinala, dahil ngayong araw ang flight niya pabalik ng pilipinas.
"I need to, wala na naman akong gagawin dito." Sinara niya ang bag saka umupo sa kama. She look at her, ganon pa din ito. Malamig kung tumingin.
"May kailangan ba akong pirmahan para sa bagong project natin together?" Umiling siya sa tanong nito.
"I will send to you the contract and other documents para pagaralan mo."
Napagusapan din kasi nila kagabi ang project nila dito sa Bergen, Hordaland on the west coast of Norway. Resort and hotels kasi ang isa sa mga business nila at sa kanila naman ay restaurant. Kilala sa Norway ang pamilyang Montreal, at sila din ang pinakamayamang pamilya sa buong mundo. Ang pagkakaiba lang dahil ang akala ng lahat wala ng Montreal na nabubuhay dahil akala ng lahat ay namatay din ito sa nangyari noon.
"Alright. If you need anything, you can call me."
"I will, thanks."
Tumango lang ito sa kanya at umalis na. Siya naman ay tinawagan ang pilot niya at sabihing darating na siya sa airport after 30 mins. Ba-byahe pa kasi siya ng malayo.
•°•
Hideout Dungeon
"Bakit mo kami dinala dito, King?" Tanong ni Troy habang nililibot ang tangin sa buong dungeon. Kasama niya sila Ethan, Maynard at Python. Si Dark naman ay nagiintay sa firing room para sa gagawin nilang training mamaya.
"Hindi naman bago sa inyo ang ganitong lugar diba?" Tumango ang apat sa tanong ni King. "Dito nililitis ang mga nagkakasala sa amin. Dito kinukulong ang mga taong nagtataksil at gumugulo sa mga misyon namin. Dito din sila namamatay at nabubulok."
Para namang nandiri sila Troy sa sinabi ni King. Kaya pala may mabahong amoy silang naaamoy, 'yon pala ay dahil sa mga patay na katawan na nakita nila nang tumingin sila sa gilid nila.
"Fuck!"
"Hindi niyo ba 'yan nililinis?" Tanong ni Maynard.
"Nililinis, pero, pabayaan daw namin 'yan diyan sabi ni boss Hell. May malaking kasalanan kasi 'yan, nagtaksil siya sa amin kaya ang parusa ay ganyan." Naglakad siya ng dahan-dahan, na sinundan naman nilang apat. "Siya si Roget, isang taksil na hunter. Nakipagtulungan siya, sa kanya." Saka nito tinuro ang isang lalaking nakagapos habang nakataas ang kamay. Nakayuko ito at puro latay ang katawan, punit-punit na din ang damit nito.
"S-sino naman siya?" Nanginginig na tanong ni Ethan. Nakakaawa ang itsura nito, payat pa naman ang lalaki.
"He's Alcaras, one of the elite men of DSS. Hindi pa siya ang mastermind, I know."
BINABASA MO ANG
The Sniper
ActionShe's a killer A notorious murderer... She can make your life living hell A living demon... She loves to play, play a lives of others An infamous alpha... She's evil in comes to her enemy A mischievous assassin... She like pissing everyone A dangero...