Kabanata I - Unica Ija

183 12 0
                                    

Asul. Kulay asul ang kalangitan. Walang ulap sa asul na kalangitan - payapa at tahimik na kalangitan. Ang hangi'y kay lamig na nakaka-panatag ng loob, banayad na haplos sa pisnging dinaanan ng malalamig na luha. Ang init na yumayakap sa aking katawa'y sing-init ng kinaloloob-looban ng aking puso - may bahid ng poot at pagsisisi, pagsisisi sa kasalanang hindi sinadya: ang mabuhay. Ano pa at may dahilan akong mabuhay kung sa buong labing-walo kong paglakad sa mundong balot ng kasakiman ay puro kutya at sakit ang ani bumubungad sa akin sa ilalim ng asul na kalangitan? Hindi ko ikinalulugod na mabuhay kung sa huli, ang pagiging pangit ay isang kasalanan sa lipunan - ang lipunan na panay dikit ang mga mata sa vanity - ang pagiging baliw sa kagandahan ng tao at ganda lamang.

Sa ilang oras na paghiga ko sa soccer field, di ko batid na uwi-an na. Bumungad nalang sa aking paningin ang isang aninong naka-dungaw sa akin. Sa aking pagbangon, nakilala ko ito. Si Paige, ang matalik kong kaibigan - isang babaeng purong kabaliktaran sa kung ano ang aking katayuan ngayon. Hindi maitatangging maganda siya at makinis ang puting-puti balat. Half-German Half-Filipino ang kanyang lahi, isa sa mga ninanais kong magkaroon ako. Ang buhok niyang kulay pula na sumasalamin sa kulay ng kanyang labi ay kumikislap na pawang nilagyan ng langis sa tanghaling tapat. Maliit ang kanyang labi na tumutugma sa matangos ngunit hindi malapad nitong ilong. Sa taas ng mga pilik-mata nito'y ani mo isang manika sa isang marangyang pamilya. Kung gayon ay labis ang aking pagtataka sa kung bakit ako ang napili niyang kaibiganin. Oo nga ba at bakit?

"Lianne!" Sigaw niya. Bumalik ako sa realidad na kaharap siya. "Okay ka lang? I bet you cried again kasi puffy 'yung eyes mo oh.". Tinuro niya ang magkabilang mata ko. Yumuko ako napatingin nalang sa kulay itim niyang sapatos. Bumili na naman siya ng bago. Di ba at kailan lang ay sinabayan ko siyang bumili ng sapatos na pang-uniform?

" Hayaan mo na. Ito naman ang kinahihinatnan ng buong buhay ko ... ang habangbuhay na kutyahin." Napalingon ako sa kanang banda at nasilayan ko ang iilan sa mga estudyanteng patahimik na humahagikhik habang ng ilan ay nakaturo sa akin. Unang araw pasukan pa lamang ngunit hindi ko na ikagugulat ang ganitong mga pangyayari. Sanay na ako noong high school pa lamang kami ni Paige. Ako ang laging panay sa pagtanggap ng mga kutya habang siya ay abala sa pagkolekta ng sandamakmak na mga puri sa paligid. Sinubukan kong lumayo sa kanya ngunit ano pa at siya lang naman din pala ang tangi kong kaibigan.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako. Naglakad kami palabas ng Cambrion University. Sa pagtingin ko sa kanyang mukha ay nagbibigay siya ng pagka-inis na ekspresyon. Nahalata niya siguro ang pinaggagawa ng mga tao. Tumigil kami sa may malaking puno sa di kalayuan.

"For real, ms. Lianne Levon?" Sabi niya. "This is the first day of class and you just got a bad day - again." Kumapit baywang siya sabay huff na sinudan ng buntong-hininga. Hinawakan ko ang kaliwang balikat niya at napa-ngiwi.

"Huwag mo na silang pansinin," mungkahi ko, "ganyan naman lahat ng tao sa akin, hindi ba? Hindi lang sila." Pagkatapos ay binigyan ko siya ng ngiting halata na sapilitan lamang. Tinulak niya ang aking noo gamit ang kanyang daliri.

"Ikaw kasi, sobrang low ng self- esteem mo dahil diyan sa itsura mo. Pa-PS ka na kaya?" Sabi niya. PS, Plastic Surgery. Kumibit-balikat akong at nagpatuloy sa paglakad nang mahina. Sumunod naman siya.

"Oo kung may pera ako. Pero takot parin ako kung ano ang mangyayari sa katawan ko matapos ang surgery. Hindi garantisado ang success. Mahirap na." Tanggi ko. Huminto siya bigla at binunot ang kanyang payong mula sa shoulder bag niya na kulay pula. Talagang mahilig siya sa ganitong kulay. Pati nga payong, kulay pula din. Binuksan niya ito at pinaypay ang kanyang kabilang kamay dahil sa init ng araw na tumatagos sa kanyang nagliliwanag na balat. Hindi ko maiwasang mapatingin sa sarili kong mga braso. Maputi naman ako. Hindi nga lang kasing-puti niya. Matamlay 'yung sa akin. Maihahalintulad siguro ito sa balat ng tao sa loob ng kabaon. Napatawa ako na naging sanhi ng pagtuon ng atensyon ni Paige sa akin. Tumaas ang isa niyang kilay.

The Vanity ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon