Kabanata XXI - Sumpa

34 2 0
                                    

Makulimlim. Makulimlim ang kalangitan sa tanghaling tapat. Ang mga ulap ay nananatiling sa kanilang mga lugar. Walang ihip ng hangin na gumagalaw sa mga ito. Purong nakatingin sa ibaba, sa lupang niluma na ng panahon. Ang liwanag sa kalangitan ay tumatagos sa makapal na mga ulap ng nagdaang mga panahon. Payapa ang mundo na tanging ang huni ng mga sasakyan sa di kalayuan lamang ang umiingay sa marupok na mundo. Itong mundong kinahihinatnan ko ay sadyang hindi naaasahan ang mga susunod na nagaganap na tila isang kidlat mula sa umiiyak na langit sa gabing malamig. Ngayon, saan nga ba ako hahantong?




Kararating ko lang sa rooftop ng department building namin na binubuo ng pitong palapag. Bihira lang ang pumupunta rito dahil sa sabi-sabing may hindi kanais-nais na mga bagay na nagaganap sa rooftop. Mga kababalaghan, kumbaga, na bigla nalang tumatalon ang mga estudyanteng pumupunta rito. Sinuri ko naman ang buong paligid. Wala akong ibang makita kundi ang mga lumang upuan na nakatambak sa gilid at ilang mga lipak ng kahoy.

 Ngayon, may gusto akong subukan.

Kung totoo ang iniisip ko, ibig sabihin ay may taglay talaga akong kapangyarihan na kung ano man ang isipin ko ay nagkakatotoo. Ngayon, gusto kong subukang mahanap si Jason. Sa pagkakaalam ko, pat na araw na siyang  hindi pumapasok. Hindi rin siya online sa Facebook. Nagtataka na tuloy ako kung ano na ang nangyari sa kanya.

Okay. Buntong hininga. Hingang malalim. Mag-isip nang payapa.

'Gusto kong malaman kung saan si Jason.'

Blangko lang ang isip ko habang dinaramdam ang bawat salita sa aking isipan. Ilang segundo rin akong naghintay, umaasang may makikita akong isang imahe na tutukoy kung saan siya naroroon. Ngunit sa kasamaang palad, wala naman akong nakita. Purong dilim lamang at dismaya.


"ANAK NG----"

Nabigla ako nang bigla nalang akong may narinig na tinig ng lalaki. Isang lalaking bigla nalang sumigaw. Pamilyar ang tinig niya. Parang narinig ko na noon. Agad kong binuksan ang aking mga mata at sa laking gulat ko nalang ...

"JASON?!!" 

Napasigaw ako nang makita ko siyang hubo't hubad sa harap ko. Natataranta siyang tumakip sa kanyang 'private parts.' Agad akong tumalikod habang nakatakip sa aking mga mata.

"Ano'ng ginawa mo babae ka?!" Galit na tanong ni Jason. Naiisip ko paring natataranta siya.

"B-basta! Ang sabi ko gusto kong malaman kung nasaan ka. Eh, 'di ko inakalang mapupunta ka nalang bigla dito!!" Pahayag ko na natataranta rin. Sige, Belle. Mag-isip ka. Isipin mong may suot na uniform si Jason. Ngayon na!

Bigla nalang tumahimik si Jason. 

"Wooah, cool! May instant uniform na ako." Sabi niya na siyang agad ko namang hinarap. Nakita ko ngang may uniform na siyang suot. Ang problema nga lang ...

"So naka-boxer brief lang ako, ganoon?" Aniya at tumawa. Hiyang-hiya ako sa aking nakita at agad kong inisip na magkaroon siya ng pantalon. Sa mabuting palad, nagkatotoo nga.




"Ba't gusto mo akong makita?" Tanong niya na medto naiirita. Nakatayo parin ako sa dati kong puwesto. Nagkatitigan lamang kami, mga mata'y naghahanap ng kasagutan sa ihip ng tanghaling hangin. Nagdadalawang-isip ako sa aking sasabihin ngunit ito lang ang isang paraan upang malaman ko ang katotohanan sa aking mga pagdududa. 

Dahan-dahan kong itinaas ang aking kanang kamay at itinuro kanyang kinaroroonan na nagpakunot ng kanyang noo. Tiningnan niya ang kanyang dibdib at itinapon uli ang kanyang tingin sa akin.

"Oh, ano?" Aniya?

"Ang demonyo sa iyong katawan," napahinto ako, matulin na nakatingin sa kanya, "siya ang papatayin ko."

The Vanity ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon