Dapithapon na nang makauwi ako sa apartment. Talagang hindi ko maiwasang pagtinginan ako ng mga tao. Kung minsan pala ay nakakalulang isipin ang lahat ng pagpuri at paghangang natatanggap ko mula sa mga tao sa paligid. May mga tao ring nagpapa-picture sa akin kahit hindi ko naman kaklase. Ganito ba talaga ang buhay bilang isang Belle?
Binitbit ko ang laptop papuntang kusina matapos magbihis. Sa suot kong pink shorts at loose white shirt, namumula akong tingnan ang aking mga hita at braso. Ito yung balat na noon ko pa gustong magkaroon. Ang sarap pala sa pakiramdam na maabot mo iyong akala mong noo'y imposibleng makamtan.
Ah! Nagulat ako nang buksan ko ang aking Facebook account. 99+ friend requests at 99+ notifications? Totoo ba 'to? May 85 messages pa akong hindi nababasa. Ilang araw ko pa naman itong nilikha. Inisa-isa kong tiningnan ang notifications. May nag-accept sa requests ko, may iba naman na likes and reacts sa mga litrato ko. Yung iba shi-nare pa ang ibang photos ko. Medyo nakakahiya naman. Pero ... nakakataba sa puso. Sa messages ay halos hi at hello ang nababasa ko. Isa-isa ko ring kinumperma ang friend requests hanggang sa makita ko ang isang mukha na biglang nagpalakas sa tibok ng puso ko --- si Drake. Tumatalon ang aking puso sa kaba at galit. Naalala ko tuloy, siya ang una kong buburahin sa mundong ito.
'Confirmed. You are now friends.'
Agad kong tiningnan ang kanyang timeline. Natawa ako nang makita kong puro sensual ang kanyang posts. Mapa-status man o photos, lahat yata ay halos tungkol sa malalaswang bagay. Sa pictures niya, umaabot ng halos 2k ang likes and reacts na kung tutuusin, photos niya ito na naka-half naked. Kitang-kita ang abs niya. Kung minsan naman, may photos siya na naka-boxer brief lang. Alam kong umaabot ng 4k likes ang ganitong uri ng photos niya dahil bakat na bakat ang isang parte ng kanyang katawan - di hamak na senswel - na di maikukubling puro kalaswaan nalang ang nasa isip niya.
'Hey.' Tumunog ang Facebook notification. Isang mensahe pala. Pinindot ko ang messages icon at nagulat nalang ako nang makita ko kung sino yung nag-message.
'Hi Belle. Kumusta?' Isa niya pang mensahe. Si Drake pala. Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko.
'Hello.' Sagot ko. 'Okay lang ako.'
'I see. Saan ka ngayon?'
'Apartment.'
'Wow, astig ah. Ang yaman mo hahahaha.'
'Halika, punta ka dito't buburahin na kita.' Gusto ko sana itong i-send sa kanya. Iyon nga lang, parang ang dali niya yatang mamatay. Gusto ko pa siyang pahirapan. Gusto kong mabalot muna siya ng kahihiyan bago mamatay.
'Di naman hahaha. Ikaw, saan ka ba nakatira?' Ani ko.
"Sa Makati lang.' Sagot niya nang may emoji. 'May boyfriend ka ba?'
Nagdalawang isip pa akong sumagot. Maya-maya'y lumapad ang aking ngiti.
'Wala. Gusto mo ikaw? Hahahahah'
'Lol. Bakit hindi? Hahhahah'
Ang sarap palang pagbiruan ang lalaki. Kagaya lang pala ito sa mga nakikita ko sa mga pelikula at nobela. Ganito pala ang pakiramdam na pinaglalaruan mo ang isang tao. Nakaka-demonyo.
Ipinagpatuloy namin ang chat. Matagal-tagal din ang aming usapan. Umabot na kami sa iba't-ibang paksa na hindi ko inasahang nagpalapit sa amin sa isa't-isa. Hindi ko talaga maintindihan kung papaano niya naitatago ng isang tao ang tunay niyang kulay. Sakatunayan, ang mabubuting pananalita ni Drake at maamong mukha ang siyang balatkayo sa kung ano talaga siya. Sa chat namin, masasabi ko talagang mabait ang kanyang personalidad. Sa kasamaang palad, isa akong biktima ng kanyang mga maruming kamay kung kaya't alam ko kung sino ang totoong Drake. Dito ko rin napagtanto na kung higit mo pang makikilala ang isang tao, mas alam mo kung paano siya burahin.
BINABASA MO ANG
The Vanity Shop
Mystery / ThrillerLips. Nose. Chin. Eyes. Hair. Complexion. Waist. Physique - Alin dito ang nais mong baguhin? Kung wala sa pagpipilian, nawa ay ito'y iyong mawari at pakinggan ang ninanais ng iyong puso. Kaibigan, inaanyayahan kita sa Vanity Shop. Dinig namin ang iy...