"Andiyan na siya."
"Freshman, right?"
"Nahiya ako sa kutis ko."
"Guys, exit! Nakaka-insecure."
"Hingian mo na nga ng number!"
"Kulit mo pre, ikaw kaya? Bobo."
"Hi miiiiiss!"
"Psst!"
Iilan lamang ito sa mga narinig kong bulong-bulungan sa hallway. Nagsanhi na naman ako ng kaguluhan. Pero hindi na ito bago sa akin. Sa dati kong anyo'y palagi naman akong nakaka-attract ng attensyon sa paligid. Ang bago lang ngayon - at ang nakakabighani - ay ang kaguluhan dahil sa bago kong anyo ngayon. ito ang nakakapanibago.
Unang pasok ko bilang isang opisyal na estudyante dito. Katamtaman lang naman ang bayad sa tuition fee kung kaya't dito ako pinapasok ng mga magulang ko para sa high school. Ngayon, ang Vanity Shop na ang dahilan kung bakit nakapasok akong muli dito bilang si Belle.
Pangatlong palapag ang silid-aralan ko. Ito rin ang silid-aralan kung saan itinuring na malas si Lianne ng mga kaklase niya. Dito niya rin unang nakita si Jason - ang katabi niyang nagbigay sa kanya ng kahindik-hindik na bangungot. Pumasok ako at napansin kong wala pa sina Paige, Jason at ang dalawa niya pang mga kasama.
"Uh, excuse me. May bakante pa bang upuan dito?" Nahihiya kong tanong sa isang babae. Siya si Vanne, kaklase ko mula pa noong elementary. Bigla siyang namula.
"S-sa 1st row, last c-column." Nauutal niyang sagot. Hindi ako sigurado kung ano ang iniisip niya sa panahong iyon.
"Ah, salamat." Ngumiti ako at tumungo sa upuang sinasabi niya. Ah, ito pala ang huling upuan sa 1st row. Walang umupo dito dahil makakatabi raw nila si Lianne, ang malas ng class A-5.
Agad kong kinuha ang cellphone ko matapos maupo. May isang mensahe mula sa tagabantay.
'Kumusta, Belle?'
Napansin kong may imahe pala siya na naka-save sa contact information niya. Pinindot ko muna ang imahe at biglang napa-ngiti. Gwapo rin pala itong tagaban--- ah! May inilagay siyang pangalan. Gabriel?
'Alam kong nakatitig ka sa picture ko.'
Nasurpresa ako sa message niya. Papaano? Lumingon ako kung saan-saan, nagbabaka-sakaling nasa malapit lang siya. Ang sabi niya'y nakikita niya raw ako. Sa huli, hindi ko siya nakita. Inabot nalang ako ng isa niya pang mensahe.
'Hahaha! Hinahanap mo ba ako?'
Tumayo ang mga balahibo ko.
'Nasaan ka?' Reply ko.
'Hindi ko maaaring sabihin. Pero tandaan mo Belle, nakikita kita --- Kahit saan.' Aniya. Nagsimulang mamula ang mga pisngi ko.
'Sinubukan mo na bang manilip habang naliligo at nagbibihis ako?!'
'...' Typing pa raw. Naghintay ako ilang ng segundo ngunit hindi siya sumasagot. Kaya pala ilang araw ko nang napapansing parang may nakatingin sa akin sa kwarto kahit mag-isa lang ako. Bastos pala 'tong tagabantay na ito. Hindi pwedeng kumpiyansa lang ako.
'Nandyan na teacher ninyo.'
Paglingon ko sa harap ay tsaka pa pumasok ang aming guro para sa unang klase. Talagang nalalaman niya ang lahat,
"Hello class!"
"Good morning, sir!" Tumayo ang lahat.
"Maupo kayo." Tugon ng guro at tumingin sa akin nang nakangiti. Tinitigan ko lang siya. "Okay. So, as you know, may bagong classmate kayo." Aniya at tinuro ako. Ang lahat naman ay sabik na lumingon sa akin. Nagsimula nang umingay. "Class, meet Belle Resurreccion."
BINABASA MO ANG
The Vanity Shop
Misterio / SuspensoLips. Nose. Chin. Eyes. Hair. Complexion. Waist. Physique - Alin dito ang nais mong baguhin? Kung wala sa pagpipilian, nawa ay ito'y iyong mawari at pakinggan ang ninanais ng iyong puso. Kaibigan, inaanyayahan kita sa Vanity Shop. Dinig namin ang iy...