Kabanata XVI - Kunwari

43 3 0
                                    

"Belle, okay ka lang?" Alala ni Ivan at agad akong tinulungang makaupo. Nakahandusay lang si Drake sa gilid. 

Sa tindi ng takot ko ay hindi ako nakapagsalita. Bigla ko nalang siyang niyakap nang mahigpit.

"Pasensya ka na, ang tagal ko." Nanginginig na wika ni Ivan. "Hindi ko inasahang gagaguhin ka ng kaibigan ko." Kumawala siya sa yakap at hinarap ako. Tumulo nalang bigla ang luha niya. "I'm sorry."

Nagtitigan lang kami. Walang imik. Walang salita. Walang kilos. Tanging ang mga mata namin ang ang nagsasalita sa mga katagang hindi mabigkas ng aming mga labi. Napalingon nalang bigla si Ivan nang tumunog ang pinto. Nakatakas na si Drake.

"Dito ka lang. Susundan ko ang baliw na iyon." Aniya at mabilis na tumayo at tumakbo palabas. Naiwan akong nakatunganga lang at nakatingin sa bukas na pinto.

"Drake!" Sigaw ni Ivan habang sinusundan si Drake sa hallway. Panay lang ang takbo ng dalawa. Mas natatagalan lang si Ivan dahil masakit ang kanyang tiyan. Hindi pa maayos ang kanyang kundisyon. 

"Ang gago mo, Drake!" Panay parin ang sigaw niya. Nakalaunan ay isang pinto ang binuksan ni Drake. Mas binilisan ni Ivan ang kanyang pagtakbo ngunit hindi na niya ito naabutan. Pinilit niya itong buksan ngunit naka-lock na ito. Nang masuri niya ang paligid, nakita niya ang isang Fire Extinguisher. Binasag niya ang kinalalagyan nito at puwersahan itong hinila. Sa lakas ng hila niya ay natumba siya nang ito ay matanggal. Pumulupot pa siya sa sakit ng kanyang tiyan bago tumayo at gibain ang door knob. 

Drake, bakit?

Ito lang ang tanging tumatakbo sa isip ni Ivan. 

Bakit mo ito ginawa?

Pagbukas ng pinto ay tumambad ang isang mataas na hagdan. Fire exit pala ito. Nang dungawin niya ang itaas ay nakita niyang tumatakbo si Drake paitaas na agad niya namang tinawag at sinundan.

Drake, gusto kong malaman, BAKIT?!

"DRAAAAAKE!!!" Malungkot nitong sigaw sa matalik na kaibigan. Ngayon ay nasa tuktok na sila ng gusali. Sa gitna ng napakalakas ng ulan ay bumubuhos din ang magkahalong emosyon ng dalawang magkakaibigan. Sa gitna ng kulog at kidlat ay ang dalawang taong naghahanap ng kasagutan sa mga hindi maintindihang pangyayari sa kanilang gabing kanina lang ay kaysaya.

"I-Ivan ...." Mahinang sagot ni Drake habang napakamot sa ulo. Ang kanyang mukha'y gumuguhit ng emosyong tila nababalisa't hindi maintindihan ang kanyang sarili. "IVAN WHAT DID I JUST DO?!" 

"Baliw!" Galit nitong sagot. "Itanong mo iyan sa sarili mo. Bakit mo iyon nagawa kay Belle?!" 

Kumulog at kumidlat.

"H-hindi ko rin alam," hindi siya agad nakasagot, "All I felt was extreme lust and desire to touch her," napaluhod siyang nakahawak sa kanyang ulo, "WHYYYY?!!"

"Hindi ko rin alam, Drake." Medyo kalmado nitong sagot. Lumapit siya ng isang hakbang. "You aren't like that. Pero grabe ka! Dadalhin mo bigla si Belle dito sa hotel para lang saktan?! Babuyin?! Man, you aren't anyone like that!" Mas lumapit pa si Ivan. "You aren't yourself now!" Diin pa nito.

"I'm so sorry, Ivan." Sagot ni Drake na parang nawawalan na ng pag-asa. "I just suddenly acted the way I never wanted to," napaisip siya, "It's like I've been manipulated by my own desire ... it's like I've become a demon." 

Malakas man ang ulan, alam ng dalawa na kasabay nito ay ang mga luha buhat ng kanilang pighati.

"You see---"

"Patatawarin mo ba ako?" Putol ni Drake sa sagot ni Ivan. Tahimik lang din si Ivan. Tiningnan siya ni Drake na parang punong-puno ng pagsisisi't humihingi ng kapatawaran. 

The Vanity ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon