"Belle!"
Isang masayang tono ng boses ang narinig ko mula sa kaliwang banda.
"Belle!"
Isang kamay ang tumaas sabay wagayway. Ah, dito pala.
"Belle, dali!" Sabik na sigaw ni Paige sa akin. Ilang hakbang ang layo ko sa kanya. Sa Luneta Park lang daw kami magkikita dito sa may mga estatuwa.
"Let's get this started!" Aniya at tumayo nang huminto ako sa harap niya.
"Oo nga. Anong oras na ba?"
"Well, time check it's 4:37 PM na. Welcoming starts at 7 o'clock. Makakaabot pa tayo." Sagot niya matapos tingnan ang kanyang platang relo.
"Ano, tara na?!" Aniya at inabot ang aking kamay. Tumango lang ako at nagsimula na kaming maglakad papunta sa isang Salon.
Hindi ko alam kung paano maglagay ng mga palamuti sa mukha kung kaya't tinanggap ko ang alok ni Paige na samahan siyang magpa-make up. Ang Gown Shop ay malapit lang din sa Salon. Cocktail lang ang gusto kong suotin tutal Elegant Attire naman daw ang dapat isuot sa Welcoming of Freshmen.
"Uh, is there a problem?" Patawang tanong ni Paige sa mga nakatitig na tao sa akin sa loob ng Salon. Halos lahat ng tao'y napanganga. Para lang akong estatwang hindi alamg kung kikilos pa ba ako o hindi.
"Goooosh, ang ganda mo!" Sabi nung isang babae na hawak ang buhok ng kanyang costumer."
"Uhm, thanks?" Pahiyang sagot ni Paige sabay hawak sa taenga.
"Gaga hindi ikaw! Yung kasama mo te." Reklamo nito. Sabay kaming nagulat ni Paige.
"W-well, sorry! I'm just kidding." Bawi ni Paige at humakbang palapit. "We'd like to have a make-over for our program tonight. I believe mga beterano na ang mga ta rito."
Isang babae ang lumapit kay Paige hawak ang isang itim naa suklay.
"Yes! Leave it to us, ma'am!" Sabik niyang sagot at lumingon sa kanyang likuran. "Otep! Josephin! Make up daw!"
Dalawang tao ang lumabas mula sa isang pinto. Isang lalaking maskulado at isang babaeng balot ng make up ang mukha. Napahinto sila nang makita nila ako.
"Artista?!" Sabik na wika nung babae at nilapitan ako. Tumingin naman ako sa lalaking mabagal na lumakad palapit sakin.
"Hala day ang gwapa mo!" Wika nito. Nanlaki ang aking mga mata sa gulat. Akala ko purong lalaki siya. Sa bakat ng dibdib niya at laki ng kanyang nga bisig at braso, hindi mo aakalaing hindi pala siya lalaking talaga. Sa panahon nga ngayon, maraming kagaya niya. Nakakalinlang sa mata.
"Ano, simulan na natin?" Sabik na yaya ng lalaki at itinuro ang isang bakanteng upuan. Sumunod ako sa kanya at umupo doon kaharap ang isang malaking salamin. Sa mga pagkakataong ito ay hindi ko mapigilang tingnan ang sarili kong mukha nang malapitan. Hindi ko talaga makita si Lianne. Para bang nakapasok ako sa isang katawang hindi ko pagmamay-ari.
"Oh diba, kahit ikaw nagagandahan ka sa sarili mo." Biro niya at hinaplos-haplos ang buhok ko. Tahimik lang ako na pa-hiyang nakangiti. Mula sa salamin ay kita ko si Paige na masayang nakikipag-usap sa babaeng magme-make up sa kanya.
"Welcooooome!" Sigaw ng isang babae sa si kalayuan. May bagong costumer pala.
"Uh, hi. Gusto ko pong magpa-make-up." Mautal na sabi nito. Mapapansing nahihiya siya sa kanyang sinabi. Ah, oo. Siguro dahil sa kanyang hitsura. Matamlay siya kung tingnan at may ilang malalaking tagyawat sa kanyang mukha. Malapad ang kanyang noo at medyo sungki ang kanyang ngipin. Sa taglay nitong anyo ay parang isang tulak lang at matutumba na siya.
BINABASA MO ANG
The Vanity Shop
Misterio / SuspensoLips. Nose. Chin. Eyes. Hair. Complexion. Waist. Physique - Alin dito ang nais mong baguhin? Kung wala sa pagpipilian, nawa ay ito'y iyong mawari at pakinggan ang ninanais ng iyong puso. Kaibigan, inaanyayahan kita sa Vanity Shop. Dinig namin ang iy...