kabanata XX - Ilusyon

39 3 0
                                    

"Jason."

Nakita ko si Jason na nakatayo sa aking harap. Nang lingunin ko ang tatlong mga tikbalang sa aking likuran, nagulat ako na mga tao pala sila.

"Tama ang nakikita mo ngayon, Belle." Wika ni Jason. "Ang mga tikbalang na nakita mo ... ay pawang mga tao."

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

"Kung gayon ay---"

"Oo." Agad nitong sagot. Unti-unti akong tumingin sa lupa.

"AAAAAAAHH!!!"

Tanging pagsigaw at mag-iyak lang ang nagawa ko. Hindi ko inakalang ang mga pinaslang ko pala ay mga tao. Apat na tao.

"Tumayo ka." Sabi ni Jason at inabot ang kanyang kamay sa akin. Maya-maya'y inabot ko ang kanyang kamay at sinubukang tumayo. Bigla ko nalang naramdaman na parang sobra akong nanghina, hanggang sa ang nakita ko nalang ay purong itim na paligid.





"HINDI!!!"

Napasigaw ako sa takot. Nang suriin ko ang paligid, wala na pala ako sa gubat. Ang tanging nakikita ko ngayon ay ang mga pader na yari sa salamin at ang sarili kong imahe na halatang balisa pa ang isip. 

Nasa Vanity Shop na ako.

Dahan-dahan akong bumaba mula sa kama at tumayo sa harap ng salaming pader. Nararamdaman ko pa ang konting sakit sa katawan ko dala ng mga nakakapagod kong pagtakbo at pagtakas sa laro. Sinuri kong mabuti ang aking katawan na balot sa puting damit na hanggang tuhod. Parang may kakaiba sa aking mukha. Masuri ko itong hinawakan. 

Bumata ako.

Siguro'y isang taon na pagkabata? Para bang naging 18 ulit ako. Apekto ba 'to ng laro? O baka'y guni-guni ko lang ito?


"Kumusta, Belle?" Isang maamong tinig ang narinig ko mula sa aking likuran. 

"Gabriel!" Agad akong tumakbo palapit sa kanya at mahigpit na yumakap habang umiiyak.

"Nanginginig ka parin." Pansin niya nang yumakap sakin. "Huminahon ka lang. Tapos na ang laro."


Hindi ko mapigilang maiyak. Sa totoo lang ay pinagsikapan kong ikimkim lang ang takot na nadarama ko sa buong tagal ng laro. Hindi ako mamamatay tao. Ngunit sa pagkakataong iyon,  hindi ko na maipagkakailang ang mga kamay ko ay may bahid na ng dugo mula sa mga taong napatay ko.


"Nakapatay ako, Gabriel! Ang sama ko! Ang sama sama ko!" Patulyo parin ako sa pag-iyak habang hinahaplos niya ang likod ko.

"Hindi mo ito ginusto, alam ko. Ngunit kung hindi mo iyon ginawa, ikaw naman ang mamamatay."

"Nakakatakot pala itong pinasukan ko. Hindi ko akalaing magagawa ko ang mga bagay na ayaw kong gawin. Pero ..." napaisip din ako sa puntong ito, na para mabuhay ako at para mabago ko ang takbo ng aking buhay, kinakailangan kong manatiling buhay, "kung ito lang ang tanging paraan para magbago ang buhay ko," kumawala ako sa yakap at hinarap ang maamong mukha ni Gabriel, "kailangan ko iyong gawin, diba?"

"Oo." Sagot niya matapos bumntong-hininga. "At tama ang ginawa mo."



Umupo kami ni Gabriel sa sofa. Medyo kumalma na ako. nakatiklop lang ang mga tuhod ko habang nakatitig sa sahig. malungkot na inaalala ang mga naganap sa laro.

"Si Raven." Wika ni Gab at inabot ang isang puting tasa sa akin. Isa pala itong tsaa. "Sabi ko na huwag kang magtiwala ni kahit kanino doon. Ang bawat paligsahan o palarong sasalihan mo ay may mga kaakibat na gantimpala sa mga manlalarong matagumpay na matapos ang bawat misyon. Nangangahulugan lang ito na ang bawat manlalaro ay magsisikap na magawa ang misyon kahit ano man ang mangyari. Kaya sa larong 'The Trial of Olympus,' isa itong laro kung saan marami kang hindi inaasahang mangyayari. Isa na roon ay ang mga tikbalang."

The Vanity ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon