"Hindi parin matukoy ng NBI ang sanhi sa nangyaring insidente sa Garmell's Hotel noong Lunes, dalawang araw na ang nakalipas. Ayon sa security ng nasabing hotel, kusa nalang nawala ang footage sa gabing iyon. Hindi nila umano mapaliwanag ang misteryong naganap dahil buong gabi sila nandoon sa security room. Wala naman daw silang nakitang posibleng suspek sa naturang pagkawala ng footage. Ayon din sa mga nak---"
Pinatay ko ang TV habang nakahiga sa sofa, nakatunganga lang sa ceiling at kung minsan pa'y natatakpan ng puting kurtina ang mukha dahil sa hanging umiihip sa nakabukas na bintana. Dalawang araw na ang nakalipas nang maganap yung insidente. Hindi na rin muna ako pumasok sa klase magmula noon. Ano pa at matutulala rin lang din ako sa klase buhat ng lahat ng nangyari sa akin kamakailan lang. Sobrang dami ng pumapasok sa isip ko na sa dami nito'y halos di ako makatulog dahil kahit anong limot ko, mas nanunumbalik ang lahat ng mga alaala.
Grabe. Iisipin ko bang inosente sila o hindi?
Hindi ko batid kung sino ang may pakana sa pagkawala ng CCTV footage sa hotel. Hindi ito kabilang sa aking plano. Pero hinala ko'y kung hindi si Jason ay baka si Gabriel. Gayunpaman, pinapasalamatan ko't malinis ang pagsasagawa ko ng plano sa gabing iyon.
Si Drake at Ivan, tanda ko'y mga manlalaro raw sila ayon kay Jason at hiniling nila na malimutan ang Vanity Shop. Pero bakit kaya? Kung ito ay isang bagay na nagbibigay ng pangalawang buhay sa mga taong kagaya ko, bakit may tumangkang kalimutan ang Vanity Shop? Kung ito ay nakakapagpabago ng anyo base sa iyong kahilingan, bakit may mga gustong lumisan mula sa organisasyong ito? Hindi kaya, may hindi pa ako nalalaman tungkol dito? Hindi kaya't may hindi pa binabanggit sa akin si Gabriel tungkol sa Vanity Shop?
"Ano ba ang nasa isip mo?"
Isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa di kalayuan. Hindi sa paglingon ko'y bigla nalang nag-iba ang paligid. Puring salamin kahit saan ako lumingon. Pamilyar na pamilyar ang lugar na ito. Para bang noo'y nakapunta na ako dito. Hindi kaya---
"Ang lalim ng iniisip mo, Belle." Wika ng pamilyar na tinig. Doon ko napagtanto na si Gabriel pala ang nagsasalita at ako ay nandito sa Vanity Shop. Ito'y sanhi ng isang mahikang kung tawagin ay, "Teleportation: Isang uri ng mataas na kalibre ng mahika. Hinahayaan kang makapunta sa kahit saang lugar na gusto mo."
"Ikaw ba ang may pakana sa nawawalang footage?" Agad kong tanong sa kanya. Kalmado lang ako, tuwirang nakatayo at natatakot na kumilos dahil baka bigla nalang akong sumabog sa gulo ng aking isipan.
Bumuntong-hininga si Gabriel at tumayo gamit ang kanyang tungkod. Sa suot nitong balabal na purong puti na umaabot hanggang paa, puting Fedora hat at puting guwantes at wingtip shoes, masasabing hindi talaga siya isang ordinaryong tao.
"Oo, ako," sagot nito, "ngunit mas may mahalagang bagay pa riyang kailangan mong malaman ngayon, Belle." Lumapit siya ng isang hakbang. "Ito na ang araw ng paligsahan."
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Nakalimutan ko yatang ito na pala ang kinatatakutan kong araw bilang isang manlalaro.
"A-anong dapat kong gawin?!" Balisa kong tanong. "Gabriel, hindi ko alam kung ano ang gagaw---"
"Huminahon ka muna," aniya at mahinang itinapik ang dulo ng kanyang tungkod sa sahig. Bigla nalang pumasok ang isang babaeng pamilyar sa aking paningin.
"Maligayang pagbabalik, Belle." Bati nito sa akin.
"Suzette!" Pananabik ko nang maalala ko ang pangalan niya. Niyakap niya ako nang mainit.
"Kumusta ang buhay mo ngayon?" Aniya nang kumawala sa yakap. Hindi ako agad nakasagot.
"Ano kasi eh, ah ---"
BINABASA MO ANG
The Vanity Shop
Mystery / ThrillerLips. Nose. Chin. Eyes. Hair. Complexion. Waist. Physique - Alin dito ang nais mong baguhin? Kung wala sa pagpipilian, nawa ay ito'y iyong mawari at pakinggan ang ninanais ng iyong puso. Kaibigan, inaanyayahan kita sa Vanity Shop. Dinig namin ang iy...