Hapon. Makulimlim na hapon. Maitim at makapal ang mga ulap sa kalangitan ng hapon. Ang hangin sa bawat pag-ihip ay wari nagbabadya ng ulan na binabalot ng kalungkutan, pighati at poot mula sa sakim na umaalingasaw sa maitim na mga puso. Ang mga bulong ng hangin sa maginaw na mga teanga ay humuhuni ng kamatayan at pagsisisi - isang maligayang paghikayat tungo sa pintuan ng walang hanggang hagdan ng buhay. Ang mga kulay ng kahoy, halaman at bulaklak ay unti-unting napapalitan ng purong puti at itim at puti na lang. Ni ang mga gusali sa di kalayuan, mga bahay, mga bagay, at mga tao, pawang lahat ng ito ay nag-iba na rin ang kulay. At ako, noon pa man, ay wala nang kulay na maaaninag. Sa aking angking tamlay at hitsura, hinding-hindi ko maitatanggi sa aking sarili ang pagsisising namukadkad na noon pa ma'y dinaramdam at kinikimkim na - mag-isa.
Kulay abo ang mundo.
Matagal-tagal na akong naka-upo dito sa Jubilee Park. Isa itong lugar - isang plateau - na humaharap sa mga bulubundukin at sa dulo nito'y isang malalim na bangin. At sa hindi ko inaasahang pangyayari'y unti-unting nanumbalik ang mga alaalang matagal ko nang inilibing sa nakaraan - mga alaala na humahalindtulad sa kalangitan ngayon; purong kasuklam-suklam at nakakapanibugho.
"Welcome, Judy! Welcome sa bahay namin." Ani ng isang nananabik na ale at niyakap ang aking ina.
"Salamat talaga, Tessa. Hinding-hindi ko masisuklian ang kabutihang ginawa mo sa amin." Sagot ni ina at kumawala sa yakap.
'Sus! Ano ka ba naman, that's what friends are for! It's my turn to help you. At tsaka ang panandalian ninyong pagtira dito sa bahay ay talagang walang problema." Sabi ng ale at hinawakan ang braso ni ina. "Kung hindi lang talaga nasunod ang bahay ninyo, hindi kayo mahahantong sa ganito. Kaya naman ako na ang unang umanyaya sa iyo na dito muna pansamantalang tumira. So! Feel at home, okay?" Dagdag niya at niyakap uli si ina.
"Naku, marami talagang salamat Tess." Pasalamat ni ina sa ale. Di nagtagal ay lumipat ang mga mata ng ale sa akin. Kitang-kita ko ang pagka-gulat niya nang masilayan ako. Napansin siguro ni ina ang pagkabigla ng ale kung kaya't hinarap niya ito. Tinanong niya ang amg ale na kasalukuyang tinuturo ang aking direksyon. Tumungo naman ang mga mata ni mama sa kung saan ito nakaturo - sa akin.
BINABASA MO ANG
The Vanity Shop
Mystery / ThrillerLips. Nose. Chin. Eyes. Hair. Complexion. Waist. Physique - Alin dito ang nais mong baguhin? Kung wala sa pagpipilian, nawa ay ito'y iyong mawari at pakinggan ang ninanais ng iyong puso. Kaibigan, inaanyayahan kita sa Vanity Shop. Dinig namin ang iy...