Kabanata XIX - Tagu-taguan

40 4 0
                                    

"Huwag kang gagalaw." Pabulong na babala ni Raven sa akin at inalis ang kanyang kamay sa aking mga labi.

Nakalaunan ay may narinig akong tinig ng mga kabayo. Para bang nag-uusap. Marami nga sila. Pero paano't hindi nalaman ni Raven na may limang papalapit na mga tikbalang? Nakatago ba ang mga aura nila?

Mas nagulat ako nang bigla nalang akong itulak ni Raven palayo. Tumilapon ako sa lakas ng pagkakatulak niya. Sinikap kong bumangon. Tsaka ako napasigaw nang makita ko si Raven na may nakabaon na palakol sa kanan nitong balikat. Matapos ay nagsisulputan na ang mga sinasabi niyang mga tikbalang. Nanlaki talaga ang mga mata ko. Sa likod ng mga ginintuan nilang mga balahibo, mapanganib pala sila. May bahid ng dugo silang lahat. Mukhang may napatay na sila. Baka kami na ang susunod.

"B-Belle, takbo." Hirap na wika ni Raven. Sumigaw siya sa sakit habang pilit na inaalis ang palakol sa balikat nito. Ngayon, tatlong mga tikbalang ang pumalibot sa kanya habang ang dalawa pang mga tikbalang ay papunta sa akin.

"TATAKBO, PAPATAY O MAMAMATAY?!"

Natandaan ko tuloy ang sabi ni Olympus. Sa sitwasyong ito, ano nga ba ang pipiliin ko?

Tatakbo?

Papatay?

O

Mamamatay?

"Kung gusto mong mabuhay, kailangang maging malakas ka."

Gusto kong mabuhay. Raven, gusto kong mabuhay. Naramdaman ko nalang ang mainit kong mga luha sa pisngi.

"Please, Belle, takbo." Pakiusap ni Raven. Maya-maya'y isang malakas na suntok ang dumapo sa pisngi niya.

BELLE, ANO NAAAA??!

"WRAAAAAGH!!!"

Sumigaw ako sa galit. Galit ako sa sarili ko dahil wala man lang akong magawa sa sitwasyong ito. Galit ako sa sarili ko dahil ang hina ko. Galit ako sa sarili ko dahil hindi ko magamit nang wasto ang kapangyarihan ko. At higit sa lahat, galit ako sa sarili ko dahil napakaduwag ko. Ayokong pumatay. Nagawa kong magpatayan sina Drake at Ivan sahil ayokong ako mismo ang pumatay sa kanila dahil duwag ako. Gusto kong sila ang pumatay sa mga sarili nila dahil ayokong pumaalang. Ayokong magmukhang kriminal.

Pero ngayon, kung may kapangyarihan man ako, kung isa nga akong manlalaro, at kung totoong nag-iba na nga ang takbo ng buhay ko ... AYOKO PANG MAMATAY.

"LUMAYO KAYONG LAHAAAAAAT!!!"

Sumigaw ako ulit at sa gulat ko, tumilapon ang lahat ng tikbalang palayo. Napalingon si Raven sa akin na para bang hindi makapaniwala sa nasilayan. Ngayon, masasabi kong ang utak ko mismo ang pinagmulan ng sarili kong kapangyarihan.

Agad akong tumayo at linapitan si Raven.

"Raven, ang lalim ng sugat mo!" Iyak ko sa kanya habang sinusubukang pigilan ang daloy ng kanyang dugo. Ang dami na ng dugong lumabas.

Sa puntong ito ay may nadiskubrehan ako. Naalala ko lahat ng pagkakataong sa tingin ko'y nagamit ko ang aking kapangyarihan. Sa lahat ng pagkakataong iyon, isang bagay ang magkaparehong nangyayari ~ nagiging totoo ang iniisip ko. Ngayon, kung totoo nga ang duda ko, gusto ko itong patunayan.

Belle, isipin mong walang sugat si Raven.

"Belle, tumakbo ka na." Mahinang tugon ni Raven sa akin. Patuloy lang ako sa pagpikit ng aking mga mata. "Ayokong pati ikaw ay mamatay lalo na't kontrolado mo na ang kap---"

The Vanity ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon