Kabanata XXII - Kapalit

29 2 0
                                    


'Cause no matter if our blue skies turn to gray
There's a ray of sun that's bound to light our way
And although the roads are rough
I'll get through it just because

I'll have my you
You'll have your me
No matter what may come
We'll have our we and us'


Nakatugtog ang kanta ni Moira sa magarang pader ng bahay ni Dave. Nakaupo ako sa sofa habang siya naman ay nakaupo sa harap ko sa kanyang wheelchair, hawak akng aking mga kamay at nakayuko.

Kakarating ko lang mula sa photoshoot namin sa Paris. Apat na taon na rin ang lumipas noong magsimula ang aming relasyon ni Dave. Bagamat alam ko ang dulo ng relasyong ito ay sinubok ko parin. Ano nga lang ba naman ang ating utak kung ang puso ay umiibig? 

Si Dave ay may Chronic Leukemia. Palala nang palala ang kanyang kundisyon. Araw-araw nasasaktan akong makita siyang nahihirapan. Minsan nga ay umiiyak siya dahil hindi na niya nagagawa ang mga bagay na kinagigiliwan niya noon. Palagi nalang siyang nakaharap sa computer. Palibhasa, online job naman ang kanyang gawain. 4 months ago, sinugod siya sa ospital dahil hindi niya na kinayang tumayo. Masakit daw ang buo niyang katawan kaya ngayon, naka-wheel chair na siya. Ilang ulit niya na akong pinagtabuyan ngunit wala naman akong makitang dahilan upang bumitaw sa kanyang mga kamay.

Inamin niya ngayon na nagsisimula nang bumigay ang kanyang katawan. Masakit man ito sa puso, alam ko man ang hangganan, pinipilit ko paring umibig. Pinili ko parin siya.




Huling araw.

Ito na ang itinakdang huling araw ni Dave. Hindi na siya makapagsalita. Hindi na siya makakilos. Putlang-putla na siya. Maraming nang mga pasa ang kanyang balat.

Ayoko. 

Nasasaktan ako.

Pero ito ang ginusto ko ... ang makasama siya hanggang sa huling patak ng aming mga luha.


Bilin ng mga magulang niya na basahin ko raw ang isang sulat na ginawa ni Dave para sa akin. Sabi ni Dave sa kanila na pagsabihan daw ako na sa huli niyang araw, ipunta ko raw siya sa dalampasigan upang masilayan ang pagsikat ng araw sa huli niyang hininga. Ako naman, alam kong kapag natamaan ako sa sinag ng araw ay katapusan na ng buhay ko. Katapusan na ng aking mga pangarap. Katapusan na ng lahat, ng pag-ibig at kaligayahan.

Pero pinili ko parin siya. Pinili ko si Dave. Pinili ko ang lalaking inibig ako nang buo.


"Dave," malumanay kong tawag sa kanya matapos ko siyang itapat sa malawak na karagatan, "Dave." Ulit ko.

Sa pagkakataong ito, para bang ang sarap pakinggan ng kanyang pangalan sa taenga.

"Dave."

Isang ulit pa.

"Dave."

Isa pa.

"Dave."

Ganyan nga.

"Dave."


Hindi ko na napigilan, tuluyan nang bumuhos ang aking mga luha. Hindi ko man lang siya mayakap dahil sirang-sira na ang kanyang katawan. Konting haplos ay masasaktan na siya.

"Dave!"

Nangungulila ako sa lahat ng mga maliligayang araw namin.

"Dave!"

Bawat segundo ay para bang isang taon na para sa akin. 

"Dave!" 

Bakit ba ito ang kinahahantungan natin?

"Dave!" 

Bakit parang ang ang daya ng mundo?

"Dave!"

Para bang saglit lang na patikim ang aming masasayang araw. 

"Dave!"

Dave ... ayokong mawala sa tabi mo.


Naalala ko ang bilin ng kanyang ina. Basahin ko raw ang kanyang sulat sa pntong ito. Kinuha ko ang sulat mula sa aking bulsa.


'Sa pinakamamahal kong babae sa buong mundo: noon pa man, kahit gaano ka pa kataba, minahal na kita ...'

Pinilit kong pigilan ang aking mga luha upang maging malinaw ang aking paningin. Sinulat niya rito ang una naming pagkikita, ang mga unang pagkakataon sa maraming bagay, ang mga matatamis na salita, ang mga masakakit na pagtulak, ang mga pinakamagandang bagay na nagyari, at ang mga pinakamasakit na pamamaalam.


'All I want is for you to be just as contented and joyful as you are now. Biglaan man ang pagpayat mo noon, I never got attracted by that one. Alam mo kung sino ang minahal ko? Yung iyakin na tabachoy noon. Kung ang akala mo ay kagandahan lang ang hanap ng lahat ng mga lalaki, diyan ka nagkakamali. Huwag mong lahatin. Huwag mo akong itulad sa kanila. Iba ako, iba ka. At diyan kita minahal. Kaya nang malaman kong nagbago ang anyo mo, hindi ko na pinalampas ang pagkakataong mapasaakin ka, hindi dahil sa gusto ko na ang bagong ikaw, kun'di ay dahil gusto kong iiwas ka mula sa mga lalaking katawan lang ang hanap. Ayokong mapunta ka sa mga lalaking mababaw lang ang pagmamahal. Ginawa ko ito dahil gusto kong mahalin ka nang buo, na walang halong kabastusan. Gusto kitang protektahan sa buong buhay ko. Ngunit, hanggang dito na lang pala ang aking buhay. Pero hindi ako nagsisisi dahil minahal kita --- at mahal mo ako. Siguro sa susunod nating buhay, lalaya na tayo mula sa kadena ng mapait na buhay. Doon tayo sa mundong tatanda tayo, na sabay tayong tatawa sa mga bukas na darating. Pero sa ngayon, paalam muna. Dito nalang ako. At dito lang ako lagi sa iyong tabi. Trisha ... isa ako sa mga pinakaswerteng lalaki sa buong mundo. Mahal na mahal kita.'


Malapit nang sumikat ang araw.


Sa huling pagkakataon ay umupo ako sa kanyang harapan at hinawakan ang kanyang mga kamay. Hindi na niya kayang igalaw ang kanyang mga mata. Ang alam ko lang ngayon, parehong dumadaloy ang malungkot naming mga luha.

Tamang-tama na sa pagsikat ng araw ay nagsimula nang pumikit ang mga mata ni Dave. Nagsimula nang maging usok ang aking katawan. Sa huli, sa pagpikit ng kanyang mga mata ay nagawa pa niyang ngumiti nang bahagya.

"Dave." Tawag ko sa kanya, sa huling pagkakataon, bago ako tuluyang naglaho.


Madaya ang mundo. Iyan ang alam ko. Ngunit sa gitna ng pait ng tadhana ay may mabubuting mga bagay na nangyayari sa atin. Hindi ko na pala kailangang magbago upang mahalin. Hindi ko na pala kailangan ng Vanity Shop upang makakita ng tunay na pagmamahal. Hindi ko na kailangan pang mangarap, dahil, sa simula pa lang, may nagmahal na sa akin nang tunay sa kabila ng aking anyo.

Iyan ang tandaan natin.




P.S.  This is a special episode dedicated to tell the story of one of the Vanity Shop users. From time to time may mga ganitong kuwento na talaga namang mapupulutna natin ng mga aral. Maraming salamat sa pagtangkilik sa Vanity Shop!



Next chapter:

Masusubukan ang kapangyarihan ni Belle sa isang sitwasyong hindi niya inaasahan. Si Theseus, ano nga ba ang kanyang kailangan kay Belle?


The Vanity ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon