"Saan ba kasi tayo papunta?" Kalmado kong tanong kahit na medyo nag-aalala na ako. "Ang lakas na ng ulan oh, halos di na makita ang daan."
"Ssshhh ..." Aniya na may ngiti sa kanyang labi. "Basta, just calm down."
Nakatingin lang ako sa kanya na nagmamaneho. Kung ano man ang iniisip nito, kutob ko'y hindi ko ito ikatutuwa.
Sa lakas ng ulan ay halos hindi ko na makita ang daan. Tanging mga ilaw lang ng sasakyan ang nangingibabaw sa paligid. Narinig kong may bagyong papasok sa lugar kung kaya't hindi normal ang ulang nararanasan namin ngayon. Ngunit ... mas hindi normal ang nararamdaman ko ngayon kay Drake.
Ulan.
Hindi ako mapakali.
"Okay lang kaya si Ivan?" Alala kong tanong kay Drake na para bang namumula ang mga mata. Medyo nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang aking tuhod. Bumilis bigla ang tibok puso ko.
"Don't worry, he's all grown up now." Malambing niyang sagot at hinaplos-haplos ang aking binti. Napakunot-noo ako at inalis ang kanyang kamay.
"Okay ka lang?" Nairita na ako. "Pupuntahan ko si Ivan. Paige, dito ka lang." Tumango lang si Paige na medyo nalilito sa nangyayari. Tumayo ako at tumungo sa exit. Ah, ang lakas ng ulan. Buti nalang at may roof walk. Padabog akong naglakad sa daan nang biglang may humila sa kamay ko mula sa likuran.
"Belle ..." Wika ni Drake na parang nangungulila. Inilapit niya ang katawan niya sa akin at agad naman akong umatras.
"Drake ano ba'ng problema mo?!" Medyo napasigaw na ako dahil sa ginagawa niya. Pumiglas ako sa pagkakahawak niya.
"Belle, I want you to go with me right now." Aniya na parang nagmamakaawa.
Parang may mali talaga.
"Saan? Drake ang lakas ng ula---"
"I brought my car." Pilit niya. "Sige na oh, I prepared for this moment for weeks."
Tumaas ang kilay ko. Hindi ko maintindihan kung ano ang tinutukoy na ang pinaghandaan niya. Nagulat nalang ako nang bigla niyang inabot ang kamay ko lumuhod.
"Please?" Mahina niyang tanong.
Agad ko siyang ipinatayo dahil may mga tao parin sa paligid kahit umuulan ngayon. Wala naman sigurong masama kung papayag akong sumama sa kanya. May kakaibang tukob lang talaga ako. Hindi ko alam kung bakit.
"Saan ba kasi tayo papunta?" Kalmado kong tanong kahit na medyo nag-aalala na ako. "Ang lakas na ng ulan oh, halos di na makita ang daan."
"Ssshhh ..." Aniya na may ngiti sa kanyang labi. "Basta, just calm down."
Nakatingin lang ako sa kanya na nagmamaneho. Kung ano man ang iniisip nito, kutob ko'y hindi ko ito ikatutuwa.
Matapos ang ilang minutong walang imikan ay biglang pumarada ang kotse sa gilid ng kalsada. Sa kapal ng ulan ay hindi ko makita kung saan pumarada ang kotse. Sa liwanag na nakikita ko'y kutob ko isang building ito. Lumabas si Drake sa kotse at binuksan ang pinto.
"Wala man lang payong?!" Reklamo ko na medyo pabiro. Tanging tuxedo niya lang ang itinakip niya sa aming ulo. Patakbo kaming tumungo sa loob ng isang gusali.
"Haaah," buntong hininga nito nang makapasok kami, "we're here."
Siniyasat ko ang mga mata ko sa buong paligid. Mukhang may ideya ako sa kung saan ang lugar na ito.
BINABASA MO ANG
The Vanity Shop
Misteri / ThrillerLips. Nose. Chin. Eyes. Hair. Complexion. Waist. Physique - Alin dito ang nais mong baguhin? Kung wala sa pagpipilian, nawa ay ito'y iyong mawari at pakinggan ang ninanais ng iyong puso. Kaibigan, inaanyayahan kita sa Vanity Shop. Dinig namin ang iy...