Kabanata II - Suklam

79 6 0
                                    

"Please, Jason. Stop this." Pagmamakaawa ko sa kanya. Subalit hindi ko ito masabi dahil sa nakatakip na kamay sa bibig ko. Panay lang si Jason sa pagdila sa aking leeg habang ang dalawang lalaki ay sinusubukang buksan ang aking upper uniform. Iyak lang ako nang iyak habang pinapanood ang malalaswa nilang ginagawa sa akin. Kinilabutan ako nang may hinablot ang isang lalaki sa kanyang bulsa. Isang panyo. Unti-unti niyang inilapit sa aking mukha ang panyo. Sinubukan ko namang umiwas. Alam kong mawawalan ako ng malay kapag nalanghap ko ang panyo. Subalit pinigilan nila ang aking ulo at nagtagumpay sila sa pagtakip ng aking ilong gamit ang panyo. Pinilit ko paring kumawala habang pinipigilan ang aking ilong sa paghinga.

Sa mahina kong katawan, wala akong kaya sa kanila. Naramdaman ko nalang ang unti-unting pagnginig ng mga tuhod ko.

Napansin naming lahat ang isang liwanag na tumatama sa amin. Isang flashlight.

"Hoy!" Sigaw ng isang matandang lalaki sa di kalayu-an at tumakbo.

Agad silang bumitiw sa akin at hinabol ang matanda. Siguro ay natatakot silang magsumbong ang matanda sa kapulisan. Ginamit ko ang pagkakataong ito upang tumakas. Subalit nanginginig ang mga paa ko at panay ako sa pagkatumba. Nawawalan na ako ng lakas. Ang droga ay kumakalat na sa aking katawan. Subalit pinilit ko paring makaalis sa madilim na eskinita. Maya-maya'y nakarinig ako ng mga ungol sa di kalayu-an. Kutob ko'y binugbog nila ang matandang iyon. Ang daan dito ay walang kabahay-bahay. Ilang metro pa bago ako makapunta sa aming baranggay.

Nagtataka ako kung bakit nagkataong nandito ang tatlong lalaki sa eskinita na kung tutuusin, may kalayu-an ito mula sa university. Kutob ko, alam nung dalawang lalaki na dito ako dumadaan. Pero bakit kasama nila si Jason?

Dahil di na ako makatayo, gumapang ako at humanap ng pwedeng mapagtataguan. May nakita akong basurahan sa dilo ng eskinita. Plano ko ay pumasok sa loob ng basurahan. Mas binilisan kong gumapang. Subalit, huli na ang lahat nang bumigay ang aking katawan. Hindi ko na makilos ang aking mga kamay at paa. Tanging paghinga at pag-iyak nalang ang kaya kong gawin. Di nagtagal ay may humatak sa akin, binuhat ako at hinubad ang upper uniform ko. Ang tangi ko nalang nagawa ay ang panoorin silang bahiran ng kabastusan at kalaswaan ang aking katawan.

Maliwanag. Maliwanag ang kalangitan. Walang ulap sa maliwanag na kalangitan. Ang dilim ay sinasayaw ang mga bituin sa liwanag ng buwang linalamon ng hatinggabi.

Nagkamalay ako mula sa isang trahedya. Nakahandusay ako sa malamig na daan ng madilim na eskinita. Kailangan ko nang umuwi. Nag-aabang na ang aking ina sa pintuan. Unti-unti akong bumangon at sinuot ang upper uniform ko. Hinanap ko ang aking bag at kinuha ang cell phone.

23 missed calls.

Tumawag pala si mama. Bubugbugin niya ako, sigurado.

Tiningnan ko ang aking sarili. Nabalisa ako. Nawawalan ng ilang butones ang aking uniform. Ang dumi. Pati ang aking saya, marumi. Pinikit ko ang aking mga mata at umiyak. Humagulhol ako sa kirot ng aking puso. Ang sakit isipin na nagawa nilang bastusin ako. Hindi pa pala sapat na pangit ako. Hindi pa pala sapat ang lahat ng kutya at lait sa aking pagdurusa. Kailangan pang madungisan ang aking pagkatao, ganoon ba, kapalaran?

KINASUSUKLAMAN KO ANG MUNDO.

12:27 a.m. Nakatingin ako sa aking relo na basag ang salamin. Pagdating ko sa bahay, sarado ang gate. Madilim ang loob. Wala sina mama at papa. Inakyat ko ang gate nang hindi pinapansin ang mga asong panay ang pagtahol. Locked ang main door kaya dumaan ako sa bintana ng kwarto ko. Agad akong humiga at natulala sa ceiling. Tsaka ko pa namalayan na nanginginig ang buong katawan ko. Napaiyak akong muli nang maalala ko ang nangyari sa akin. Patuloy lang ang agos ng aking luha sa malamig na unan na nadungisan ng dumi mula sa aking ulo. Oinikit ko nalang ang aking mga mata at sinubsob ang mukha ko sa basang unan. Humagulhol ako sa galit, takot at suklam na pilit pinaglalaruan ang aking isipan at damdamin. Sabay sa aking pagsigaw ay ang mga salitang kanina ko pa lubos na ninanais marinig ng Maykapal.

The Vanity ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon