Kabanata X - Linlang

54 6 0
                                    

Isang linggo na ang lumipas mula noong naging magkalapit kami ni Drake. Halos gabi-gabi'y nalilibang kami sa pagcha-chat sa messenger. Animo'y isang inosenteng lalaki ang kausap ko. Sa mga salitang kanyang binibitawan, unti-unting nagbabago ang aking pananaw sa kanya. May mga bagay pala na hindi natin sinasadyang mangyari - at talagang masaya naman tayo rito.

'Malapit ka na?' Biglang nag-vibrate ang phone ko. Si Drake pala. Kakarating lang ng message niya.

'Ah, siguro?' Sagot ko nang may emoji na tumatawa. Tumingin ako sa labas ng bintana ng taxi. Mukhang medyo malayo pa ang lokasyon ko sa skwelahan. Nakatugtog sa radyo ang kanta ni Rihanna na 'Stay.' Nakasunod naman ang aking mga paa sa indayog ng musika.

'Hahaha bilis! Late na tayo.' Reply niya. Bahagya akong napangiti.

"Nobyo?" Isang malalim na tinig ang pumutol sa katahimikan sa loob ng taxi. Napalingon ako sa driver na nakatingin sa rear mirror. "Kay ganda ng iyob umaga. Nakangiti."

Saglit akong natawa at ibinaling ang aking paningin sa labas ng bintana. Unti-unti kong ibinaba ang salamin nito. Agad na humaplos ang malamig na hangin sa aking pisngi. Ang araw ay sumisikat sa likod ng mga ulap - katulad ng buhay ko ngayon na noo'y isa lamang pangarap.

"Hindi," Sagot ko, nakangiti, "kaibigan lang."

'Naka-P.E uniform ka ba?' Muling nag-vibrate ang aking phone.

"Sigurado ka?" Wika ng driver matapos bahagyang tumawa. Unti-unting huminto ang sasakyan. Nasa kalagitnaan pala kami ng traffic.

"Oo naman." Sagot ko na bahagyang nakakunot-noo at nakangiti. Nakatutok lamang ako sa screen habang nagta-type.

'Oo. ikaw ba?' Sumulyap ako sa labas. Limang minuto pa siguro tsaka ako makakarating sa  skwelahan.

"Mas mainam na aminin ang nakatagong nararamdaman." Wika ng driver. Muli akong nakatingin sa rear mirror sa harapan. "May mga pagkakataong minsan lang nangyayari sa buhay. Naisin mo man itong mangyari uli, naisin mo mang bumalik sa nakaraan, babatiin ka lang ng pagsisisi."

Natulala ako bigla sa sinabi ng driver. Totoo nga, napaisip ako. Siguro ang ibig niyang sabihin ay kung hindi ko ipagtatapat ang kung ano man ang aking nararamdaman, baka ay mawalan na ako ng pagkakataong magtapat pa sa hinaharap.

'Walaaaaa huhu'
'May extra ka sa locker? Pahirap please?'
'Nagtext ako kina Ivan at Jason. Wala raw silang extra.'
'Okay lang?'
'Sorry talaga. Okay lang naman kung hindi.'

Naka-ilang mensahe na pala si Drake. Idi-nial ko nalang ang number niya.

"Uy!" Unang salitang narinig ko nang sagutin niya.

"Ah, Drake, may extra uniform ako sa locker. Pero hindi ako sigurado kung kasya iyon sa iyo."

"Let's just try. But will that be okay with you? Hahahah."

"Oo naman. Mahirap na naka-school uniform sa P.E activities."

"Yeah, right?! That's what I'm thinking. Anyway, malapit ka na ba?"

"Oo, siguro mga 3 minutes?"

"Good. Dito lang ako sa labas malapit sa entrance. See you!"

"Sige, salamat!"

Pinatay ko ang tawag nang nakangiti. Tinawanan naman ako ng driver. Sumandal ang ako at nakatulala sa malabong imahe sa labas ng bintana.


"Let's do this by pair." Wika ng aming  guro sa Mathematics. "Kailangan inyong i-plot nang tama ang lahat ng coordinates sa inyong graphs. Again, two perpendicular number lines are used and are called coordinate axes. Make sure to remember each line. You are given 10 minutes. Time starts now." 

The Vanity ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon