2

1.5K 108 21
                                    

Ariella pov.

Gigil na gigil talaga ako sa baklang yon.

Akalain mo ba namang bantaan ako. Na oras daw na magsumbong ako sa tatay nya,malilintikan daw ako.

As if naman magpapaapi ako. Para saan pa at naging agent ako,kung papatalo lang ako sa isang malambot na bakla.

Ayy...bweset talaga. Mukhang hindi ang mga nagbabanta sa buhay nila ang makakalaban ko. Kundi ang mismong baklang amo ko.

Pauwi na ako sa amin. Matapos akong maka-usap ng masinsinan ng baklang yon.

Naglalakad-lakad lang ako. Sayang kasi ang pasahe. Pang baon na rin ni bunso yon.

De bali unting tiis nalang. Gagraduate na rin si bunso.

Dalawa nalang kami sa buhay. Namatay ang mga magulang namin sa isang aksidente,pitong taon na ang nakakaraan. Kaya ako ngayon heto nagpupursige,para matulungang maka graduate ang kapatid ko.

Hindi ako nakatapos ng college. At kaya lang ako agent ngayon ay dahil sa mga barkada ko na datihan ng agent. Nakita nila kasi kong paano ako makipag laban. Kaya naisip nila akong ipasok. Sayang naman daw. At isa pa,hindi rin madali ang pinagdaanan ko.

''Ate may babayaran daw kami,para sa exam next week''sabi ni Cyrus kapatid ko, habang kumakain kami.

''Sige,ibibigay ko mamaya. Pagkatapos nating kumain''buti nalang nag advance yong tatay ni bakla. Kaya may pera ako ngayon.

''Pasensya ka na ate ha. Hindi pa binibigay yong sahod ko''working student rin kasi sya.

Ayaw ko sana,kaya lang gusto nya. Nahihirapan daw kasi ako. Nangungupahan rin kasi kami.

''Ok ka lang ba talaga bunso? Kaya naman ni ate na tustusan ka''

''Ok lang ako ate. Isang taon nalang graduate na ako''

''Oo kaya dapat pagbutihan mo. Para makaipon ka''

''At makakapag asawa ka na ate''shit. Nabilaukan ako sa sinabi nya. Asawa? Tsk. Sakit sa ulo lang yon.

''Huwag mo nga akong binibigla''singhal ko sa kanya.

''Eh ate ne minsan hindi ko nakita na nagkaboyfriend ka''

''Kung ano-ano pinagsasabi mo bunso. Kumain ka na nga lang''

''Teh totoo bang tomboy ka?''WTF?

''Ano ba Cyrus. Kumain ka na nga lang andami mong tanong''inis kong sabi sa kanya.

Hindi naman ako sigurong tomboy o kung tomboy nga bang matatawag ang pagiging tigasin ko. Wala pang lalaking nakakuha ng interes ko. Pero hindi naman ako nagkakagusto sa babae.

Madalas ko ring naririnig na tomboy nga daw ako. Pero wala akong paki alam sa kanila. At kung anoman ang sasabihin nila. Dahil hindi sila ang nagpapakain sa amin.

**
Kinaumagahan pagpasok ko palang sa bahay ng magiging amo ko. Nakita ko na ang kahindik-hindik na bakla. Paanong hindi kahindik-hindik. Pagka-kita palang kasi nya sa akin,umikot na bigla ang kanyang mata.

Sarap dukutin.

Pero hindi ko pinakita na naiinis ako sa kanya. Nginisihan ko lang sya na lalong nagpainis sa kanya.

Buti nga sa baklang nagpapanggap na lalaking tuwid.

''Magandan umaga bakla''pang aasar ko sa kanya. Sinadya ko pang lakasan ang boses ko. Para lalo syang inisin.

At gaya ng aking inaasahan. Patakbo nya akong nilapitan at binungangaan.

''Hoy bruha ka. Di ba nag usap na tayo? Tatapyasan ko yang dila mong mahaba eh''pandidilat nya pa. Habang nagsasalita.

'Bakla ang usapan. Aayusin mo pakikitungo mo sa akin. Para silent lang ako. Pero umagang-umaga pa lang,halos lumabas na ang mata mo sa kaiirap mo sa akin eh''sabi ko sa kanya.

Halos umusok naman ang ilong nya sa akin.

''Ok...ok fine. Ayy kundi ko lang talaga kailangan magtagong bruha ka. Sasabunutan kita hanggang anit nalang ang matira sayo''

''Tsk...nasaan ba ang tatay mo at may sasabihin ako''pang aasar ko sa kanya. Biglang nanlaki ang kanyang mga mata.

''Bruha ka. Di ba ok na tayo. Bakit mo nanaman hinahanap ang tatay ko. Naku-nako pag ako nabuko ni pader ng di oras--''

''Sige magbanta ka pa. Parating pa naman ang tatay mo''

''Manahimik ka na utang na loob. Lalakihan ko sahod mo. Manahimik ka lang''iniinsulto ba ako neto?

''Anong tingin mo sa akin mukhang pera? Susuhulan mo para itikom ko bibig ko,?

''Ano palang gusto mo para manahimik yang bunganga mo'?''

''Simple lang. Ayusin mo pakikitungo mo sa akin. At hindi ako magsasalita''kahit hirap ako. Hindi ako mukhang pera.

.''sige na manahimik ka lang''sabi nya.

Nang makalapit na ang kanyang tatay,bigla syang naging tuwid at lalaking-lalaki.

''Good morning Dad''halos matawa ako nang marinig ko ang boses nyang pilit pinatigas.

''Good morning sir''pagbibigay galang ko naman.

''Good morning sa inyong dalawa. Ahh Cedric mawawala ako ng isang buwan. Ikaw na muna bahala sa company. Huwah kang pasaway kay Ariella. Babalik rin ako agad pag natapos ko na bagong building. At ikaw Ariella. Huwag mong hahayaang mawala sa mata mo ang anak ko. At sabihin mo rin sa akin,kung may nakikita kang kahina-hinala sa paligid''mahabang biling ng ama ni bakla.

''Yes sir. Makaka asa po kayo na gagawin kong lahat ng makakaya ko mahuli lang ang mga nagbabanta sa inyo''

''Good. So paano kayo na bahala dito. Cedric anak,makinig ka sa akin. Alam ko ayaw mong may laging nakabantay sayo pero anak para lang sa kaligtasan mo ito''oo nga naman,ang lambot mo e. Pero syempre wala akong planong sabihin yon. Dahil malamang mapatay na ako ng baklang ito.

''Huwag kang mag-aalala Dad. Makikinig at susunod ako sa lahat ng sinabi nyo''tigasin parin nyang sinabi.

Hayy. Dami talagang mapagpanggap na tao. Hindi ba nila alam na masama ang manloko ng tao? Di bali,laging nandyan si karma.

''Hoy bruha. Wala na si pudra. Tulaley ka parin. Maliligo lang ako. May pagkain na sa mesa lumamon ka na''sabi ni bakla.

Anong tingin nya sa akin baboy? Magsasalita pa sana ako nang mapansin kong wala na sya sa tabi ko.

Mukhang mahihirapan talaga ako sa baklang to.

Pipilitin kong matuklasan agad ang kaso nila,para makaalis na rin ako agad sa poder nila.

Si Bakla at Si TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon