18

1.2K 107 83
                                    

Ariella pov.

Nanatili pa kami ng ilang araw sa subic. Hayaan daw muna nyang magbakasyon ang anak nya,dahil pag balik namin marami na syang tatrabahuhin.

Pormal lang ang pakikitungo nya sa akin. Hindi na tulad ng dati. At kakausapin nya lang ako pag may tanong sya tungkol kay Collin. Matapos non,hindi nanaman nya ako papansin.

Alam ko naman kasalanan ko kaya sya nagkaka-ganito.

"Mag-isa ka yata. Nasaan ang asawa mo?" Biglang sabi ng bagong dating. Na pumutol sa pag-iisip ko.

Ngumiti lang ako sa kanya at naisipan kong humingi na rin ng tawad dahil sa nagawa ni Cedric sa kanya.

"Pasensya kana pala Marco ha? Yong sa nangyari noong isang araw"hinging paumanhin ko.

Ngumiti sya at umupo sa tabi ko.

Nandito kasi ako sa labas malapit sa pool,naglilibang. Wala naman ako maka-usap sa kwarto,na oo.p ako sa mag-ama.

"Ok lang yon,nagseselos lang siguro" biro nya sa akin.

Sus selos? Kakatapos nya nga lang noong araw na yon eh.

Hindi ko na sya sinagot. Wala naman akong sasabihin.

Napansin nya siguro pananahimik ko,kaya nagsimula syang magkwento ng nakakatawa.

Hindi ko alam kung totoo lahat ng kwento nya,pero kahit paano naman natatawa ako.

Masaya syang kausap,nalibang ako at di ko namamalayan ang oras.

Hanggang sa,

"Kaya pala hindi ka mahanap,kasi nakikipaglandian kana" galit na sabi ni Cedric.

"Pare,nag-uusap lang kami" tanggol naman sa akin ni Marco.

Napa irap nalang ako kay Cedric,ayaw ko na syang patulan. Mapapagod lang ako. Kung malandi man ang tingin nya sa akin,bahala sya. Buhay at isip nya yon,wala akong paki.

"Huwag ka ng magpaliwanag Marco,sarado na ang isip nyan. Kahit anong paliwanag mo,hindi yan maniniwala. Salamat nga pala sa oras mo,nag enjoy ako." Baling ko nalang sa kanya.

"Sige,tawagan nalang kita mamaya"paalam nya.

Nagpalitan kasi kami ng number din kanina.

Wala namang malesya yon,magkaibigan lang naman kami.

"So may palitan na pala ng number na naganap" muling sabi ni Cedric,nang makalayo na si Marco.

Hindi ko sya pinansin,naglakad lang ako papasok ng hotel. Babalik na ako sa room,siguro naman tapos na ang bonding nilang mag-ama.

"Ano? Mananahimik ka nanaman?" Tanong nya ng makapasok na kami sa silid.

Pero sa halip na sagutin sya,ako yong nagtanong.

"Nasaan si Collin?" Wala kasi sya dito sa kwarto namin.

Si Bakla at Si TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon