17

1.2K 101 50
                                    

Ariella pov.

Nagising ako sa tindi ng sikat ng araw na tumatama sa mukha ko.

Teka?

Anong oras na ba?

Kinapa ko ang phone ko sa lamesang malapit sa kama.

Oh no.

1pm na pala. Patay ako nito.

Shit na hang over to. Ang sakit ng ulo ko parang binibiyak.

''Mabuti naman at gising ka na''biglang sabi ni Cedric na nakaupo sa may sofa.

Tiningnan ko sya,wala ako sa mood dahil sa sakit ng ulo ko. Pero nagmistulang gamot sa sakit ng ulo ko yong nakita kong may hawak sya.

"Good afternoon mommy,kanina ka pa po sleep eh. Sabi naman ni daddy huwag daw kitang gisingin. Ikaw mommy ha,kaya pala hindi ka pumunta noong linggo,kasi may surprise ka sa akin" tuwang sabi ng anak ko.

Na shock ako nang makita ko ang anak ko. At mas na shock ako. Dahil daddy ang tawag nya kay Cedric at kalong pa sya neto.

Bakit ito nandito?

Nandito pa naman kami sa subic.

"Ah anak doon ka muna kay tito Cyrus mag-uusap lang kami ni mommy sandali" malambing na sabi ni Cedric sa anak ko.

Ngunit ng mabaling ang tingin neto sa akin,biglang nagdilim ang kanyang mukha.

Hindi ako nakapag salita,hanggang ngayon nag-loloading pa rin sa utak ko ang nangyayari.

Hanggang maka-alis ang anak ko at ang kapated ko,hindi pa rin ako nakapag salita.

Nagulat nalang ako ng may nabasag na baso.

"Ano to Ariella? Bakit mo itinago sa akin ang anak ko huh?" Galit na sabi ni Cedric sa akin.

Yumuko ako,hindi ko alam kung dapat ko bang salubungin ang galit nya.

Kasalanan ko rin naman kasi.

"Sa loob ng apat na taon. Wala akong ibang sinisi kundi ang sarili ko. Sinisi ko ang sarili ko dahil nawala ka na parang bula. Hinanap kita. Hindi ko ininda maubos man ang lahat ng ipon ko mahanap lang kita."

Hinanap nya ako?

Pero bakit?

"Tapos ng mahanap ka ng tauhan ko sa wakas. Nalaman ko naman na may anak ka. At alam mo bang unang pumasok sa isip ko? Inisip kong tanggapin ang anak mo. Ituturing ko rin syang parang tunay kong anak bumalik ka lang sa akin. Pero tang ina anak ko pala talaga  yon. Anak ko na itinago mo sa akin ng mahabang panahon. Bakit Ariella,naging sobrang sama ko ba sayo noon para maisipan mong itago ang anak ko sa akin? Sumagot ka" galit na galit na sabi ni Cedric sa akin.

Si Bakla at Si TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon