3

1.3K 102 68
                                    

Ariella pov.

Nakakagigil talaga ang baklang to,biruin mo ba naman,ang sabi nya maliligo lang sya. Pero inabot na ng tatlong oras,wala pa sya.

"Ah ate mawalang galang na po. Pwede po bang paki tingin muna si sir Cedric? Baka po kasi nalunod na sya sa tagal nyang maligo"paki usap ko sa isa sa mga katulong nila.

Ang dami nilang kasambahay,halos wala naman ginagawa.

Iba na talaga ang mayaman.

"Ma'am ganyan po talaga si sir matagal pong maligo"sagot nya.

Anak nang baklang gwapo naman,oo. Tatlong oras na yon,kulang pa ba?

Tsaka,loko tong si ate ah,ang tigas maka sir,jusko kung alam nyo lang.

Ako nga napipilitan lang mag sir.

Muli nanaman akong binigyan ng meryenda ng isa sa mga katulong. Busog na busog na ako,at pikon na pikon na rin.

Naghintay pa ako ng isang oras.

Nang hindi ako nakatiis. Ako na mismo umakyat para puntahan ang baklang yon.

Buti nalang sinabi ni ate kung saan ang kwarto nya.

Hindi na ako kumatok pa. Basta ko nalamang tinulak ang pinto.

"Ano bang klasing paligo ginawa mong bakla ka----"agad akong natigil sa katatalak ng makita kong nalaglag ang tuwalya sa katawan nya.

"Ayyyyyyyy"tili nya.

Shit na malagkit. Nakita ko ang hindi dapat makita.

"Nyeta kang herodes ka,lumabas ka nga. Idedemanda kita"sigaw nya sa akin.

Dali-dali naman akong bumaba.

My god.

Shit.

Ang tanga mo Ariella bakit hindi ka kasi kumatok. Nakakita ka tuloy ng sawa.

Ayy shit na shit.

Halos ipukpok ko ang ulo ko,para lang magka-amnesia ako at makalimutan ko ang nakita ko na tumatak na ata sa isip ko.

Nagtataka man ang mga kasambahay,hindi naman na sila nag usisa pa.

Maya-maya pa bumaba na ang bakla.

Hindi ako makatingin sa kanya,yukong-yuko lang ako.

Narinig kong nagpaalam na sya sa mga katulong.

"At ikaw na bruha ka,sumunod ka sa akin"nanlilisik ang mga matang sabi nya.

Oh no. Katapusan ko na ba?

"Bakla yung---''hindi na nya ako pinatapos pa.

Tiningnan nya ako ulit ng masama. Bago hinagis sa akin ang susi.

"Ano to?''tanong ko.

Alam kong susi ha. Pero bakit nya binigay?

Bibigyan nya ba ako ng sasakyan?

"Baka pagkain,try mo kainin. Baka masarapan ka"pagmamaldita nya.

Si Bakla at Si TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon