12

1.1K 96 37
                                    

Ariella pov.

Kanina pa ako kinabahan,hindi kasi sya nagsasalita. Tinititigan nya lang ako.

Bago nya ililibot ang tingin sa buong opisina ko,tapos balik ulit sa akin.

Marami nang nagbago sa paglipas ng panahon.

Pero hindi ang nararamdaman ko para sa kanya.

Hanggang ngayon,ang lakas pa rin ng dating nya para sa akin. Naging mas higit pa nga. Lalo syang gumwapo at in fairness nagka abs ang bruho. Halata sa suot nyang fit na fit sa katawan nya.

Nang mapatingin ako sa labi nya,kita ko ang malaking ngisi. Kaya kunwari tiningnan ko sya ng masama.

"Ano bang kailangan mo dito,bakla?" Sabi ko sa kanya.

Tumawa sya ng malakas. Bago nya ako nilapitan,na ikinakaba ko ng husto.

"Bakla? Tingin mo sa akin bakla? Baka gusto mong ulitin ko ang nangyari sa atin,para mapatunayang lalaki na ako?" Kumikinang sa kapilyuhan ang kanyang mga mata.

Tinulak ko sya. Baka mamaya kung saan nanaman kami mapunta.

"Hindi ako nakikipag biruan sayo Cedric. Anong kailangan mo sa akin" galit na sabi ko.

Nabebwesit kasi ako sa mga ngisi nya,ngising may masamang plano.

"Oww sayo? Ahmmmp kailangan ko ng asawa at magbibigay sa akin ng MGA anak. Kaya ikaw ang naisip ko" huta.

Pwede bang tadtarin ng pino tong gagong to?

Hayop.

Sinamaan ko sya ng naka-mamatay na tingin.

"Mang Juan,pasuyo naman po yong bwesita dito sa opisina ko,salamat" tawag ko sa guardya namin.

"Hey relax honey,may kailangan talaga ako kaya ako pumunta dito.

"Sabihin mo na. Huwag mong sayangin ang oras ko" gigil ko sa kanya.

Dumating naman agad ang guardya,pero pinalabas ko din. Mukha kasing seryuso na ang baklang......este lalaking ito.

"Pumunta ako sa agency nyo. Naghahanap ako ng magbabantay ulit sa amin. Muli kasing bumalik ang banta sa buhay namin mag-ama. Nerekomenda ka ng agency nyo sa akin. Ikaw lang daw ang available ngayon. Kaya ako nandito ngayon sa harapan mo at nakiki usap" sabi nya. Mukha syang seryuso.

Maniniwala kaya ako.

"Hindi ako pwede. Isa pa nagbabalak na rin akong umalis sa agency na yon. Maayos na rin kasi ang negosyo ko. As you can see. Tahimik na kami ayaw ko ng gulo. Yang sa buhay mo naman na nag dedelikado nanaman,bahala ka. Ayusin mo kasi sarili mo nang wala kang nakaka-away" sagot ko sa kanya.

Si Bakla at Si TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon