Cedric pov.
Buong araw akong badtrip.
Akalain mo ba namang tinutoo nya ang sinabi nyang bahala ako sa gamit ko?
Aaminin ko,sinadya kong damihan gamit ko ngayon. Kaya nga ako natagalan dahil nag impaki pa ako.
Dito nalang ako tutuloy tutal may kwarto naman dito na sinadya talaga ni Dad. Para kung matagalan man sa trabaho makakapag pahinga agad.
Actually kumpleto na to. Lahat ng kakailangan ko nandito na. Para syang condo dito sa pinakamataas na floor. Nasa 19th floor naman ang pinaka opisina.
Nang matapos ako sa pag aayos ng gamit ko,napag-pasyahan kong bumaba at kumain. Nagugutom na rin ako,hindi na kasi ako nag agahan kanina. Dahil sa tomboy na yon.
Nang maalala ko sya,muli nanamang nag init ang ulo ko.
My god. Nakita nya ang pinaka iingatan ko. Shit na tomboy na yon,feeling ko tuloy ngayon hindi na ako virgin.
Pag bukas ko ng pintuan.
"Bakla pagkain mo oh" salubong sa akin ng tomboy na to.
Tinaasan ko sya ng kilay.
"Aanhin ko yan?" Tukoy ko sa pagkain.
Well,alam kong pagkain ko yon. Pero di ba nga naiinis ako sa kanya?
"Huh? Nagligpit ka lang nabuang kana? Pati pagkain tatanungin mo kung aanhin mo? Baka paligo bakla. PALIGO" diniinan pa nya ang paligo.
"Ako ba pinagloloko mong tomboy ka ha?"
"Ayy hindi" naka ngisi nyang sabi.
"Kainin mo na kasing bakla ka ang dami mong satsat. Ako na nga ang nag magandang loob na dalhan ka ng pagkain. Ako pa ngayon ang masama"
"Wala naman kasi akong sinabing mag magandang loob ka. Hindi mo ikakaganda yon tomboy ka"
"Kung ayaw mo huwag mo. Baklang nag memenopus" sagot nya sa akin. Na lalong nag painit ng dugo ko.
Hindi pa nga ako nereregla,menopausal agad?
"Gusto mo bang sesantihin kita ha?" Gigil ko sa kanya.
"Oww talaga? Takot ako bakla" muli nyang ngisi.
"Talagang matakot ka. Dahil tanggal ka na"
"Ows? Tsk...tsk..tsk pasensyahan tayo bakla ha? Hindi ikaw ang nag hire sa akin,kaya hindi ikaw ang magtatanggal sa akin. Kuha mo?" Sabay kindat nya sa akin at umalis na.
Talagang ginagalit ako ng tomboy nato.
✴✴✴
Pagka baba ko ng canteen,nagtitilian ang mga bruha.