Ariella pov.
Nagising ako dahil sa bigat ng pakiramdam ko.
Hindi rin ako makahinga.
Minulat ko ang mata ko at nakita ko kung bakit.
Nakayakap lang naman at nakadagan ang paa ni Cedric sa akin.
Bwesit na to,ginawa pa akong sampalan.
Hindi lang yon,may nararamdaman akong matigas na bagay na tumutusok sa gilid ko.
Dahil sa kabiglaan,agaran akong bumangon. Di sinasadyang nahulog si Cedric sa higaan.
"What the fuck.. Ang sakit non ah. Nanadya ka bang talaga?" Galit na sabi nya sa akin.
"Sorry ikaw kasi eh nakadagan ka sa akin. Tsaka bakit ba ako nandito sa kama? Ang alam ko sa sofa ako natulog kagabi?" Takang tanong ko.
Sa sofa talaga ako natulog kagabi. Ayaw ko ngang tumabi sa lalaking ito.
"Malay ko" sagot nya ng di makatingin sa akin.
Pinaningkitan ko sya ng mata.
"Malay mo? O binuhat mo ako?" Paratang ko sa kanya.
"Hindi noh" sagot nyang hindi pa rin tumitingin sa akin.
Muli kong inisip kung saan nga ba ako natulog kagabi.
Pero kahit anong isip ko. Sa sofa talaga ako nahiga eh.
"Kunwari ka pang nag iisip eh. Malamang ginapang mo ako kagabi" rinig kong sabi nya.
Tiningnan ko sya ng masama.
Naka-ngisi naman ang hudyo.
"Hoy Cedric hindi pa ako ulyanin para makalimutan kung saan ako natulog kagabi. Kaya tigilan mo ako,baka sa hagdan na kita ihulog" galit na sagot ko sa kanya.
Tapos iniwan ko na sya.
Naghilamos muna at nag toothbrush ako. Bago ako nagsimulang magluto.
Oo ako ang magluluto. Sino ba naman gagawa nito? Dalawa lang naman kaming nandito ngayon.
Nang matapos akong magluto,saktong pagbaba naman ni Cedric.
Ang walang hiya,ke aga-aga walang damit naka-boxer lang.
Di ko pinansin suot nya,mamaya ano nanaman ang isagot nya sa akin.
"Kain na tayo"aya ko sa kanya.
Gutom na rin ako.
Nagsimula kaming kumain ng tahimik,pero dahil sya si Cedric. Magsisimula at magsisimula pa rin syang magsalita.
Pero di ko inaasahan ang topic na itatanong nya sa akin.
"Kanino mo iniwan ang anak mo?" Tanong nya na ikinagulat ko.
Nabilaukan pa ako,dahil sa tanong na iyon.
Nang mabawi ako sa kabiglaan saka ako nagsalita.
"Pa.....paano mo na...nalaman na may anak ako?" Kinakabahang tanong ko.