19

1.2K 113 69
                                    

Ariella pov.

"Anong sinabi mo?" Muling tanong ko kay Cedric baka kasi mali lang ang dinig ko.

He tsk.

"Mahal kita Ariella. Naalala mo ba noong may nangyari sa atin? Bago nangyari yon,diba nagsasaayaw kayo ni Clark?"

"Oo nagalit ka sa akin non,kasi ako ang pinansin ni Clark at hindi ikaw. Kaya naisipan mong gantihan ako" pairap na sagot ko.

Pero nagalit sya.

"Ayan nanaman ang panghuhusga mo. Pwede bang manahimik ka muna?"

Inirapan ko lang ulit sya.

"That night hindi ako galit sayo kundi kay Clark. Naiinis nga ako ng oras na yon,dapat sayo ako mainis at hindi kay Clark. Pero iba,parang gusto kong patayin si Clark ng mga oras na iyon. Gusto kong hilahin ka palayo sa kanya"

"Pero di mo ginawa" sumbat ko sa kanya.

"Hindi ko ginawa dahil naguguluhan ako. Buong buhay ko,akala ko bakla ako. Pero nang dumating ka,ginulo mo na ang isip at puso ko. Nang lumapit ka ng gabing yon,sabi ko sa sarili ko hahalikan lang kita. Para patunayan ang nararamdaman ko para sayo. Pero ng lumapat na ang labi mo sa labi ko,mas nag nais pa ako ng higit pa doon."

"Pero nang matapos yon gusto mong itago ang nangyari sa atin" muling sagot ko sa kanya.

"Hindi naman yon ang sasabihin ko nang gabing yon sayo,pero pinangunahan mo agad ako. Kaya hinayaan kita"

"Kung talagang hindi yon ang sasabihin mo nang gabing yon,dapat binawi mo nalang. Sana kina usap mo na ako nang gabi ding iyon. Pero hindi,hindi mo ginawa"

"Naduwag lang ako na hindi ka maniniwala sa akin. Pero maniwala ka sa akin ngayon,pinagsisihan ko na hindi kita hinabol. At nang mawala ka,lalo kong napatunayan na mahal kita. Na hindi kita dapat pinakawalan. Kaya hinanap kita. Hindi ko inalintana na maubos ang ipon ko mahanap ka lang. Ganon kita kamahal Ariella. Kahit pa ngang malaman kong may anak ka na tatanggapin ko eh. Kasi mahal kita"

Si Bakla at Si TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon