Ariella pov.
Hapon na nang bumaba kami ng hotel ni Cedric para kuhanin ang anak namin sa pangangalaga ng kapatid ko.
"Daddy,Mommy" masayang tawag ng anak ko nang makita nya kami ng ama nya.
"Hi baby ko,gutom ka na ba?" Tanong ni Cedric.
"Hindi pa po. Daddy may kapated na ba ako?"tuwang tanong ng anak ko.
Di ko naiwasan ang pagtaas ng kilay ko sa tanong nya.
" ahmmmp,malapit na baby"sagot naman ni Ceric.
"Di ba mommy?" Dagdag pa nya.
Pinaningkitan ko lang ito ng mata.
Mukhang kung anu-ano nanaman ang sinabi nya kay Collin.
"Yeheyyy,tito may kapated na daw ako" takbo ng anak ko sa kapatid ko.
"Anong sinabi mo kay Collin?" Tanong ko nang makalayo na ang anak ko.
Inakbayan ako nito at hinalikan sa pisnge.
"Ano ba,kanina ka pa" sabi ko. Kahit ang totoo,gustong-gusto ko naman.
"Pagbigyan mo na ako,ang sarap mo kasi" sabi nya sabay kagat sa balikat ko.
"Aray. Ano ba Cedric ang landi mo. Mamaya makita nila tayo,mahiya ka naman" sikmat ko sa kanya.
Kahit pa,nakakaramdam ako ulit ng init. Ang landi naman kasi ni Cedric eh.
"Nakaka-gigil ka kasi eh. Sabi ko sayo,hayaan na muna natin si Collin sa kapatid mo,doon na muna tayo sa kwarto" lambing nya sa akin.
Ohh tukso,layuan mo ako. Baka pumayag ako agad-agad dahil sa mahal ko ang lumalandi sa akin.
"Tigilan mo nga ako Cedric,nakarami ka na nga" namumulang sabi ko.
Paano ba naman kasi,hindi nya ako hinayaang magpahinga kanina. Kung di ko lang sya binantaan na babawiin ko ang sinabi kong mahal ko sya,hindi nya ako tinigilan.
"Sige na honey,isa nalang" landi nya ulit sa akin,bago hinahalik-halikan nanaman ang balikat ko.