Cedric pov.
Ilang araw na akong badtrip.
Sa tuwing magtatangka akong kausapin si Ariella may asungot naman.
Mali naman ang iniisip nya. Ginusto ko rin yong nangyari sa amin. Dahil doon ko napatunayan na hindi naman pala akong totally na bakla,maarting selahis lang.
Gusto kong magkalinawagan kami.
Pero paano?
Tapos na rin ang misyon nya sa akin. At balita ko kina-kausap na sya ngayon ni Daddy para sa huling sahod nya.
Pupunta na sana ako sa office ni dad,nang may biglang pumasok yong mukhang clown na babae.
Ano nga bang pangalan neto?
"Sir. Pwede ba kitang maka-usap?" Landing paki-usap nya sa akin.
Hindi ko nanaman naiwasan ang mapa-irap nalang.
Kahit na unti-unti ko ng napatunayan na di naman ako ganong kabakla. Nababadtrip pa rin ako sa bruhang ito.
"Anong kailangan mo? At dito pa talaga sa kwarto ko" wala eh nababanas talaga ako sa kanya.
Nagulat ako ng unti-unti nyang hubarin ang pang taas nyang damit.
"Ano ba isuot mo nga yan" sabi ko at ako na mismo nagbalik ng damit nya. Kung damit ba talagang matatawag to,kinulang sa tela.
Pagsasabihan ko nanaman sana sya ng bigla nya akong hinalikan.
Hindi ako agad nakapag-react kaya hindi ko sya naitulak. Pero ng matauhan ako,tinulak ko sya ng pagkalakas-lakas.
"Ano ba? Ganyan ka ba talaga kalandi? Ikaw pa talaga naunang gumawa ng hakbang? Wala kang karapatan halikan ako" dahil iisang babae lang ang papayagan kong humalik sa akin.
"Hindi mo ba ako gusto huh Cedric? Mahal kita nong una palang. Lahat ginagawa ko para mapansin mo ako" sagot nya pa.
Tsk,hindi makaintindi?
"Hindi kita gusto. Naiintindihan mo?"
"Bakit? Dahil ba bakla ka? O dahil kay Ariella?"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nyang bakla ako.
So alam nya?
Sabagay ano pa bang aasahan ko? Lahat ng tsismis alam neto.
"Nagulat ka ba? Oo alam kong bakla ka noon pa man. Pero dahil mahal kita binaliwala ko yon. Kasi hindi naman importante yon sa akin. Ang importante mahal kita. Tatanggapin kita kahit ano kapa" maluha-luha nyang sabi.
Ngayon ko lang sya nakitang umiyak. Akala ko puro pag memake-up lang ang alam nya.
"Hindi yon. Hindi dahil sa bakla ako o ano pa man"