Ariella pov.
Pag-kauwi ko ng bahay nagtaka ako. Bukod kasi sa kapatid ko may isa pang tao na nansdito.
Hindi pa man,may kutob na ako. Kaya kailangan kong alamin.
"Bunso" tawag pansin ko sa dalawa.
Pareho pa silang namutla ng makita ako.
"Ate"
"Anong problema bunso?" Tanong ko.
"Ate si Mhay nga pala girlfriend ko" pag papakilala nya sa babaeng katabi nya.
"Magandang hapon po" magalang na bati sa akin ni Mhay.
Maganda naman sya at mukhang mahiyain. Bata pa,parang ka-edad lang ni Cyrus o mas bata pa.
"Ate,kasi ano" pagsisimula ni Cyrus.
"Kasi ano?"
"Ate bu---buntis po si Mhay" sabi nya.
Hayyy di rin ako nagkamali. Umpisa pa lang alam ko na.
"Ate hindi ka ba galit?"tanong ni Cyrus na may pagtataka.
"Gusto mo bang magalit ako?" Balik tanong ko sa kanya.
Tanging iling lang ang sagot nya sa akin.
"Bunso hindi naman ako galit,disappointed lang. Tsaka kung magagalit man ako,may magbabago ba? Hindi ba mabubuntis si Mhay? Hindi naman di ba?" Totoo naman yon eh. Kahit magalit ako,wala namang mangyayari.
"Ano na ngayon ang plano nyong dalawa?"tanong ko sa kanila.
Si Mhay tahimik lamang nakikinig sa aming mag kapatid.
"Papanagutan ko sya ate. Tatapusin ko pag-aaral ko. Bago ko sya papakasalan"determinadong sabi nya.
Isa ito sa gusto kong ugali ng kapatid ko. Mayroon syang isang salita.
"At tsaka ate. Pwede po bang dito nalang muna tumuloy si Mhay? Pinalayas po kasi sya sa kanila. Nagalit po kasi mga magulang nya" paki usap pa ni Cyrus.
"Ok lang naman sa akin yon. Huwag kayong mag alala tutulungan ko kayo. Pero tandaan nyo,hindi ibig sabihin non kinu-kunsinti ko na kayo. Sadyang nandyan na kasi yan. Wala na tayong magagawa kundi tanggapin"
"Salamat po" sagot ni Mhay.
"Hay sa wakas,nagsalita ka rin" sabi ko ng naka-ngiti.