Ariella pov.
Umiling lang si Cedric bago nya kami iniwan dito ni Love.
Love. Ang taong pinagselosan ko ng walang katotoran. Pinagselosan ko ang pinsan nya na nga wedding planner pa.
"I think,kailangan mo ng sundan ang future hubby mo. Naku mamumuti ang buhok ko sa inyo. Matapos kong madaliin ang lahat,maging maayos lang ang kalabasan ng surprisang ito. Mag aaway lang kayo? Ang sakit nyo sa bangs huh?" Mahabang litanya nya.
Ang tanga mo talaga Ariella. Masyado ka kasing nagpadala sa selos mo.
Susundan ko na sana si Cedruc,pero naisipan ko munang humingi ng tawad sa kanya.
Wala pala syang kasalanan. Masyado lang akong selosa.
"Sorry nga pala" nakayukong sabi ko sa kanya.
Ngumiti lang ito sa akin.
"Pinagselosan mo ako tama ba?"
"Paanong--
" paano ko nalaman? Nakikita ko kasi sa mga mata mo. Wala kang dapat ikaselos sa akin Ariella. Dahil bukod sa pinsan nya ako. Mahal na mahal ka nya. Alam mo bang ang laki ng pinagbago nya mula ng dumating ka ulit sa buhay? Mahal ka ng pinsan ko Ariella. Sana ganoon ka rin sa kanya"
"Huwag kang mag alala. Mahal na mahal ko ang pinsan mo. Kaya lang naman ako aalis kasi akala ko may mahal na syang iba. Aalis sana ako para sana sumaya sya,kasama ng taong mahal nya"
"Pero ikaw ang mahal nya Ariella. Ikaw lang at wala ng iba"
"Oo alam ko na yon ngayon. Salamat nga pala sa lahat ng tulong mo sa kanya at patawad ulit"
"Walang anuman yon. Sige na,sundan mo na ang tampurorot mong fiance"
Nginitian ko ito at sinunod ang utos nya.
Nakasalubong ko si Tito sa hagdanan,tinanguan lang ako nito at ngumiti sa akin.
Ngumiti rin ako sa kanya at tumuloy na kay Cedric.
Naabutan ko silang nag uusap ni Collin.
"Anak,ok lang bang kausapin ko muna si daddy?" Paki usap ko dito.