Ariella pov.
Masakit pa rin ang buong katawan ko,kaya lang kailangan ko ng magtrabaho. Isa pa nakakahiya kay Clark,biglang nyang kinancel ang party na para sa kanya. Hindi daw kasi ako makakasama,dapat daw lahat para masaya.
Hayy,iba talaga kutob ko sa lalaking yon. Wala palang akong pweba,para patunayan ang hinala ko.
Ang tanging magagawa ko lang ngayon ay bantayang maigi si Cedric. Hindi sya dapat mawala sa paningin ko. Kung kinakailangan maging mabait at sweet sa kanya,gagawin ko. Isang paraan din yon,para ma distract ang nararamdaman nya kay Clark.
Sa araw ng party,kailangan kong mag bestida. Ayaw ko man,yon ang gusto ni Clark na dapat daw suotin ng babae.
Ayaw ko rin naman magmukhang katawa-tawa sa harap ng ibang tao.
Nang matapos akong mag ayos,ay umalis na ako patungo sa party.
Sa totoo lang nahihirapan akong maglakad. Hindi ako sanay mag takong. Tinitiis ko lang.Pag pasok ko sa gaganapan ng party. Lahat ng mata sa akin naka tingin.
Eh? Ngayon lang ba sila nakakita ng tao?
Parang gulat na gulat makita ako eh.
Hindi ko sila pinansin,hinanap agad ng mata ko ang baklang yon.
Nasaan nanaman kaya sya?
Maya-maya pa,nakita ko na sya.
Shit si bakla yan?
Bakla ba talaga to?
Sabagay pag nag gown naman to ngayon di tsismis di ba?
Sinundan ko lang sya ng tingin. Tsk ang galing talagang magpanggap ng baklang to.
Maniniwala na sana akong tunay na lalaki si Cedric. Kaya lang tinatarayan nya naman ang mga nagtitilian sa kanya.
Lalandi din kasi.
Naging alisto ako nang makita ko si Clark na palapit sa akin.
"Hi Ariella,ang ganda natin ngayon ah" sabi nya ng makalapit sa akin.