14

1.1K 112 54
                                    

Ariella pov.

Dumating na ang oras na kina-tatakutan ko.

Ang oras ng pag tulog.

Shit naman oh. Hindi nagbibiro ang kumag na to.

Dito talaga?

Sa iisang kwarto talaga kami matutulog dalawa.

"Hey honey,gusto mo bang maunang maligo?" Biglang bulong ni Cedric sa tenga ko.

Oo bulong nya. Ang walang hiya nasa likod ko na pala,hindi ko man lang namalayan.

Dali-dali akong lumayo. Bukod kasi sa ayaw kong napapalapit kami ng sobrang lapit ni Cedric. Malakas din kasi ang kiliti ko sa batok.

"Mauna ka na" pairap kong sagot sa kanya.

Hindi ko na sinita ang pag bulong nya sa akin,baka pahabain nya pa ang usapan.

"Ohh,pero kung gusto mo...... Sabay ka nalang sa akin,para tipid sa tubig. At magkaroon pa tayo ng bonding time. Tingin mo?" Taas baba pa ang kilay na sabi nya sa akin.

Pinagti-tripan nanaman ako neto.

Kaya sasabayan ko ang pang aasar nya sa akin.

Lumapit ako ng dahan-dahan sa kanya.

Nang may nang-aakit ang tingin.

Bago ko hinawakan ang ang balikat nya.

Taas baba ang kamay ko sa balikat nya hanggang sa may siko.

"Cedric" mapungay at malambing na tawag ko sa pangalan nya.

Nakita ko namang napalunok sya.

"Ariella" namamaos naman na tawag  nya sa akin.

Hindi na ako nag salita,hinila ko sya papunta ng banyo at pasimple ko syang tinulak sa loob.

It showtime.

Matapos ko syang maitulak nagsalita ako.

"Yan,mag-isa kang maligo. Bwesit nato. Huwag mo nga akong idamay sa kalokohan mong abnormal ka. Bwesit" bago ako nagmartsa pabalik ng kwarto.

1 point Ariella.

Maya-maya pa.

Narinig kong bumukas ang pintuan ng banyo. Ibig sabihin tapos na ang kumag.

Hindi ako nag angat ng tingin. Inaayos ko kasi ang damit ko.

"Ikaw na" rinig kong sabi nya.

Base sa boses nya. Parang hindi naman sya nagalit sa ginagawa ko. Na ipinagtaka ko.

Mahaba na ang pasensya ni bakla?

Nagtaas ako ng tingin na agad ko ring pinagsisihan.

Shit na bakla. Walang hiya.

Nakatapis lang naman sya ng tuwalya.

Kita ko ang malaking ngisi nya.

"Bakit,hindi ka pa bihis?" Medyo natatarantang tanong.

"Relax honey,as if naman na hindi mo pa nakita ang super yummy na hot kong body"sagot naman nya sa akin.

Si Bakla at Si TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon