Cedric pov.
Ilang araw nang maganda ang mood ko.
Araw-araw ko kasing nakakasama si Clark. Sya ang bagong kapartner ng company.
"Bakla,hindi ka pa ba tapos?" At itong tomboy naman na ito ang nakakasira ng araw ko.
"Nakikita mo namang tambak trabaho ko diba?" Pandidilat ko ng mata sa kanya.
Halata namang ang dami kong trabaho. Nagtanong pa.
"Inuna kasing makipag landian" bulong nya.
At dahil bagong linis ang tainga ko,narinig ko.
"Huwag ka ng bubulong-bulong kung malakas naman ang pandinig ko. At sino bang may sabi kasing bantayan mo ako dito sa loob ng opisina? Doon ka kasi sa labas"
"Body guard mo nga ako diba? Malamang lagi akong nasa tabi mo. Sa ayaw mo man o sa gusto" ngisi nya sa akin.
Panira talagang babae to.
Hindi ko nalang sya pinansin,masisira lang ang ganda ko.
Maya-maya nakarinig kami ng kumatok. Nagkatinginan pa kami ni Ariella. Wala naman akong inaasahang bisita. Gabi na kasi,mga 7 na rin.
At kung bakit nandito pa si Ariella ng ganitong oras? Simple lang,yun ang utos ng tatay ko.
Alam kasi ni Daddy na dito na ako tumutuloy. Kaya mas dapat daw akong mag ingat tutal naman daw dalawa ang kwarto dito. Mas maganda naman na daw na dito na rin ang babaeng to. Para mas ligtas ako.
Ang di alam ng tatay ko nauubos na pasensya ko sa babaeng to.
"Pumasok ka sa kwarto" biglang sabi ng tomboy na to.
"Huh? At bakit?"
"Mag isip ka nga,sa mga oras nato dapat umuwi na ang lahat. Wala naman tayong inaasahan dadalaw dito. Baka mamaya,may masamang balak yan. Kaya ngayon lang pumunta. Baka pag aakala nila,mag isa ka lang dito. Kaya pumasok kana mas safe nya" halos pabulong na sabi nya.
Habang sinasabi nya yon,makikita mo talagang seryuso sya. Ibang-iba sa Ariella na nakakasama ko netong mga huling araw.
Puro kasi sya kalokuhan netong huli. At ang talent nya ay sirain ang araw ko.
Pero iba ngayon. Iba sya sa mga babaeng nakakasalamuha ko.
Bigla may tumamang note na maliit sa nuo ko,dahilan para matigil ako sa pag iisip.
Sinamaan ko sya ng tingin.
"Ano ba?" Galit ko,pero pabulong din.
"Sinabi ng pumasok kana" asik nya sa akin. At muli kaming nakarinig ng katok.