Ariella pov.
Lumipas pa ang dalawang linggo,mas kapansin-pansin na ang pagbabago.
Kung noong unang linggo,laging late umuwi si Cedric. Ngayon naman,madalas ay hindi na sya umuuwi.
Nawawalan na rin sya ng oras sa anak nya. Buti nalang nandyan ang lolo ng anak ko para libangin ang apo nya. At buti nalang din,naiintindihan ng anak ko ang pagkawala ng oras ng ama nya sa kanya.
Madalas na rin kaming hindi nagkaka-abutan ni Cedric. Dahil na rin sa,bihira na sya umuwi ngayon.
Inuubos ko nalang ang oras ko sa anak ko at sa trabaho,para kahit paano malibang naman ang isip ko.
"Mommy,doon po ako ulit matutulog sa kwarto ni lolo huh?" Sabi ng anak ko.
Kakatapos lang namin maghapunan at kasalukuyan ko syang nililinisan.
Ngumiti ako sa kanya.
"Ayaw mo bang dito nalang muna sa tabi ni mommy?"
"Ahmmp,katabi mo naman si daddy,mommy eh. Doon nalang ako kay lolo please" kung alam mo lang anak.
"Sige na nga,pero bukas si mommy na katabi mo huh?"
"Opo. I love you mommy. Mahal na mahal po kita. Mahal ka po namin ni daddy" sabi nya sabay halik.
Pinigilan ko ang luhang gusto ng kumawala sa mata ko sa pagbanggit nyang mahal din ako ng tatay nya.
Gusto kong sabihin na nagkakamali sya,pero hindi ko gagawin yon. Ayaw kong masira ang imahe ni Cedric sa anak nya.
Hanggat maari gusto kong maging maayos ang pagsasama nila ng anak ko. Ok na kahit hindi ako mahal ni Cedric,ang importante mahal nya ang anak namin.
Nang maihatid ko na ang anak ko sa kwarto ng lolo nya,bumalik narin ako agad sa kwarto namin ni Cedric.
Tulad ng nagdaang gabi,mag-isa nanaman akong matulog sa malaking kwartong ito.
Mabuti pa noong hindi pa kami nagkaka-ayos,nakakatulog ako ng mahimbing. Pero ngayong nasanay na ako sa kanya? Hindi ko na magawang matulog ng mahimbing na wala sya tabi ko.
Humiga na ako at umiyak. Iniisip ko kung may mali nga ba akong nagawa para lang maging ganito sya kalamig sa relasyon namin.
Pero kahit anong isip ko wala eh,ginagawa ko naman ang lahat para lang ipakita sa kanyang mahal ko sya.
Nagsisi na ba sya na nakisama sya sa akin ulit?
Nakatulog ako ng may luha sa mata.
.
Nagising ako nang may maramdaman akong humiga sa tabi ko. Pero hindi ko idinilat ang mata ko,pinakiramdaman ko lang sya.
Nang tingin kong mahimbing na ang tulog nya,saka ako dumilat at tiningnan ang orasan.
Ala dos na ng madaling araw.
Hayy,natatakot naman akong magtanong sa kanya kung saan sya nagpupunta. Dahil natatakot ako sa magiging sagot nya.
Lalo na kung ang maging sagot nya ay hindi na nya ako mahal at yong love na yon ang mahal nya.
Maya-maya narinig kong tumunog ang phone nya. May massage.