After 4 Year's
Cedric pov.
Buong araw na akong naiinis. Tambak na nga ang trabaho sa opisina,sasabayan pa ng mga malalandi na nangungulit sa akin.
"Sir?" Nanginginig na tawag ng secretarya ko sa akin.
Takot lahat ng empleyado sa akin. Mula kasi ng mawala si Ariella,nag-iba na ako.
Hindi na ako yong dating Cedric na mabait at nagtitiis,para lang maging good ang image ko. At hindi na ako yong Cedric na pala ngiti at mapang asar.
Naging mahigpit na ako sa lahat. Naging matapang. Sa madaling salita. Naging demonyo ako sa paningin ng taong nakakakilala sa akin.
"Anong kailangan mo? Bilisan mo at sinasayang mo ang oras ko" pagalit na sabi ko.
"Ah si....sir yu....yong detective Smith. Na...nasa la...labas po" pautal-utal nyang sabi sa akin.
"Papasukin mo na at Ms. Secretary kung sino ka man. Tanggal ka na. Ayaw ko sa empleyado yong di marunong magsalita ng maayos" sikmat ko sa kanya.
Nakaka inis mag intindi ng ganong salita.
"Si....sir?"
"OUT" sigaw ko sa kanya.
Nakaka-inis na eh.
Maluha-luha syang lumabas.
"Morning sir" bati sa akin ng detective.
"Siguraduhin mong magandang balita yang dala mo. Kundi babalatan kita ng buhay" sabi ko agad sa kanya.
Nagulat naman sya sa akin.
"Sir may dala akong balita. Good at bad. Ano pong gusto nyong unahin ko?" Sabi nya. Na medyo alanganin.
"Unahin mo yong good"
"Sir nahanap ko na po si Ms. Ariella" sabi nya.
Biglang kumabog ang puso ko. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nadarama ko sa mga oras na ito.
Pero agaran ding napawi ng marinig ko ang bad news nyang dala.
"May isa syang anak na lalaki. Nasa tatlong gulang na siguro sir" ang balitang nagpaguho sa mundo ko.
Hindi... Hindi yon pwedeng mangyari.
Akin lang dapat sya. Akin.
Kung kinakailangan kong tanggapin ang anak nya,gagawin ko. Kahit ilipat ko pa sa apelyedo ko ang anak nya sa iba. Gagawin ko.
Aakuin ko,basta akin lang si Ariella.
Akin.
♥♥♥♥
Ariella pov.
Masaya ako sa naging takbo ng business ko ngayon.
Simple lang naman ang negosyo ko. Isa syang Café.