Chapter 1

5.3K 122 4
                                    

Content Warning: This chapter contains an explicit narration of violence. Reader discretion is advised.

**

Nang mahanap ko ang isa pang replika ng mga susi sa cabinet, nilingon ko agad si Miguel na nakaupo sa sulok ng kwarto at yakap ang sarili. "Tumayo ka na diyan. Bilis!"

Binuksan ko ang pinto kung saan kami ikinulong ni Diego. He is my adopted father pero hindi ko na maatim na tawagin siyang tatay sa lahat ng ginawa niya sa 'min. We are just kids, ni hindi niya naisip na ikamamatay namin ang pisikal na pananakit niya.

"Miguel! Come on!" Nanginginig ang kamay ko habang sinusubukan ang mga susi. Malakas pa sa pandinig ko ang tilaok ng mga manok sa labas, tanda na sumikat na ang araw at ibig sabihin, parating na si Diego galing sa magdamag na inuman.

Halos sumabog sa tuwa ang puso ko nang mabuksan ko ng tuluyan ang pinto. "Nabuksan ko na. Tara na!"

Natigilan ako habang pinagmamasdan siyang nanginginig at tulala pa rin dahil sa mga pasa at sugat niya. Lumapit ako at hinila na siya pababa sa sala. Shit. Naabutan namin si Diego na nakaupo sa sala na sabog pa rin sa paglalasing.

Maya-maya, bigla siyang dumilat at dumapo sa 'kin ang tingin niya. Nangilabot ako agad nang mag-alab ang mga mata niya at mabilis na lumapit. "Sinong nagsabing lumabas kayo? Tangina ka talagang bata ka napakatigas ng ulo mo!"

Pinulot niya ang tsinelas niya sa sahig kaya tumakbo kami agad pabalik sa kwarto. Bago ko pa maisara ang pinto, nahablot niya ang buhok ko at itinulak ako sa pader.

Halos maputol ang litid ko sa pagsigaw nang hampasin niya ang mukha ko gamit ang makapal niyang tsinelas. Tuloy-tuloy 'yon at halos hindi na ako makahinga sa pag-iyak.

"Kapag sinabi kong dito lang kayo, sumunod kayo ha? Tangina ka talaga, minalas na kami mula nang dalhin ka ni Lucia rito! Sana hindi ka na lang inampon! My wife died because of you!" Patuloy pa rin siya sa paghampas sa 'kin kasabay ang malakas na pag-iyak ni Miguel sa sulok. Pinipilit kong umiwas pero nawawalan ako ng lakas sa bawat paghampas niya. "Ngayong wala na ang asawa ko, perwisyo pa rin ang dala mo⁠—"

Natulala ako nang bigla siyang bumagsak sa sahig at nawalan ng malay. Sa harap ko, nakatayo na si Miguel habang hawak ang baseball bat niya. Nabitawan niya ito kaya agad na kumalansing ang sahig pero tumayo na ako at hinila siya. "Let's go!"

Nakalabas na kami sa pinto pero nilingon ko pa si Diego at natulala nang makitang bumabangon na siya. "Tangina! Miguel!"

Mas lalo na naming binilisan ang pagtakto pero sa sobrang takot ko, pakiramdam ko napakalaki ng bahay at hindi na kami makakalabas. Pagbaba namin sa hagdan, bumagsak ako agad nang kumirot ang tagiliran ko. Inangat ko ang suot kong damit at nakitang nagku-kulay violet na ang pasang tinamo ko kagabi.

Nilingon ko si Miguel. "Mauna ka na sa labas..."

"Ha? Tara na! 'Wag ka nang magpa-iwan!"

Umiling ako at tinuro ang ikalawang palapag. "Ako na'ng bahala rito. Just run!"

"Pero Care⁠—"

"Tumakbo ka na!"

Hindi ko na magawang tumayo kaya imposible nang makalabas kami nang sabay bago pa makababa si Diego. Tinulak ko na ang paa ni Miguel kaya wala na siyang nagawa kundi maglakad. Huminga ako nang malalim at nang hindi ko na matanaw si Miguel, umakyat ako sa hagdan para makapunta sa kwarto ni Diego. Ito na lang ang paraan para makaalis kami. Kung hindi pa 'to matatapos ngayon, masusundan niya lang kami bago pa kami makaalis sa bayan na 'to.

Binuksan ko ang ibabang bahagi ng kaniyang cabinet niya at kinuha ang baril doon. Tinabig ko ang flower vase sa lamesa para gumawa ito ng ingay hanggang sa narinig ko na ang kalabog sa labas.

I'm Yours to KeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon