I was cleaning my room when I found my old diary. 13 pa lang ako noong sinimulan kong magsulat dito. Binuklat ko ito at binasa ang ilan sa mga naisulat ko.
Pamilya. Nalaman ko ngayong araw na kahit hindi kumpleto, kahit walang nanay o walang tatay, pamilya pa rin ito. Pamilya ang mga unang taong nakasalamuha natin habang lumalaki. Bago pa tayo nakipag-away sa mga kalaro natin, nakipag-away muna tayo sa mga kapatid natin. Bago tayo pagbawalan ng mga teacher na gumamit ng cellphone sa klase, pinagbawalan na tayo ng mga magulang natin na gumamit nito sa habang kainan. Bago pa natin malamang may Diyos, alam na nating may pamilya tayong nakabantay sa 'tin.
Pero iba ang sitwasyon ko. Namulat na lang akong wala pala akong magulang. Inabanduna pala ako sa isang ampunan. Paulit ulit kong tinatanong sa sarili ko kung anong dahilan nila. Kung bakit ako iniwan. Hanggang sa tinanggap ko na lang, kasi ang mga tao pala sa paligid mo, kahit hindi mo kadugo, pwede mo palang maging pamilya. Sila Sister Isabel at ang ibang mga bata sa ampunan ang naging pamilya ko. Masaya at kuntento na ako doon.
Huminga ako nang malalim at itinigil na ang pagbabasa. I loved Sister Isabel and everyone in that orphanage pero noong akala kong gusto ko nang bumalik, hindi pala. Takot na takot ako na baka nandoon si Bingo. Months after mom found me, inasikaso nila agad ang pag-ampon sa 'kin. That's when I found another family that I promised to cherish until my last breath.
Kumatok si Miguel sa pinto kaya itinuro ko ang isang bag ng damit ko na dadalhin niya sa laundry shop mamaya. Nilingon niya 'ko bago makalabas ng kwarto. "Mag-reply ka raw kay Chelsea."
Lumapit ako agad sa kama para kunin ang cellphone ko.
Nabasa mo ba email mo? Sa monday na yung annual retreat, sama ka?
Saan?
Maddela, Quirino. Pagkatapos ng mga nangyari, baka lang kailangan mo ng break?
Natigilan ako habang nakatitig ako sa cellphone ko. That's where the orphanage was. I spent a few minutes staring at the floor habang inaalala ang mga masasayang araw ko doon. Until I remembered that day when Bingo hid me in a truck.
Paglabas ko, nakapagluto na si Miguel ng tanghalian. It's Saturday at pareho kaming walang pasok. "Kain na."
"Alam mo ba 'yong tungkol sa retreat?"
Hindi siya nakasagot agad habang naglalapag ng plato sa lamesa. Huminga siya nang malalim at nagkibit-balikat. "Nalaman ko kay Chelsea."
Ahead si Miguel ng isang taon kahit magkaedad kami dahil huminto ako ng sa pag-aaral dala ng trauma, pero bukas sa lahat ng batch ang retreat kasi kaunti lang talaga ang pumupunta.
"Pupunta ka?" ang tanong ko.
Lumingon siya sa 'kin at saka naglapag ng baso at pitsel sa lamesa. "Ikaw? Pupunta ka ba?"
Umiwas ako ng tingin at naupo na. "Hindi ko alam."
"You know maybe going back can help you move forward."
I shook my head. "Nakausad na ako. Matagal na."
"You think so? 'Cause there's only one way to find out. Nalaman ko ring nakatayo 'yong retreat house sa eksaktong lugar kung nasaan ang orphanage noon."
Hindi na ako nakasagot at nagsimula nang kumain. Maya-maya, napapansin ko ang pabalik-balik niyang tingin kaya nilingon ko siya. "What?"
"I'm sorry about last night."
Bumuntonghininga ako at tumango. "Forget it."
Natahimik kami ulit at sumusulyap na naman siya kaya nag-angat ako ng tingin. "Ano na naman?"
BINABASA MO ANG
I'm Yours to Keep
General FictionCaroline meets the new student, and with his nerdy, shy vibe, he makes her feel safe right away. But it doesn't take long for her to realize she trusted him way too quickly. He ghosts her. No one knows where he went, and that's when she realized she...