Chapter 14

735 36 0
                                    

Umuwi na kami nang makakuha ng clearance mula sa doktor. Nakatulog pa ulit si Miguel habang nanatili akong gising para sa ilang assignments. Maya-maya, tumunog ang cellphone ko dahil sa pagtawag ni Gerard.

"Hello?"

"Hey, uh. Good morning."

Napangiti ako agad at sumandal sa upuan ko. "So, we do this now? Morning calls?" Saglit siyang natahimik kaya natawa ako. "It's fine. You should be seeing my face, I'm smiling."

"Well, I imagined that."

Mas lumawak ang ngiti ko. "I'll see you later at school?"

"Can I fetch you? And why are you up already? Nakatulog ka ba nang sapat?"

Tumango ako kahit hindi niya nakikita. "Okay, you can fetch me today and yes, I think I've had enough sleep."

"Okay. Am I, uh, clingy?"

I chuckled and shook my head. "No, you're just... maybe you're just... overwhelmed."

"Am I?" He chuckled on the other line.

"You're doing good, Gerard. I hope you get along with some other people too because you're an amazing person. I'll see you later?"

"Thank you. Okay, see you."

Nagluto na ako ng almusal at hinintay pang magising si Miguel. "How do you feel?"

"I'm fine." Naupo siya sa lamesa at muling iniyuko ang ulo.

Bumuntonghininga ako at kinuha na ang bag ko. "Okay. Papasok na 'ko."

"Care..."

Nilingon ko siya bago pihitin ang pinto. "Oh?"

"Thank you."

Tumango lang ako at lumabas na ng bahay. Sa kabilang kalsada, nakaparada na ang sasakyan ni Gerard. I hopped in at tinanggap ang inabot niyang baso ng kape. "Thanks."

"Ayos na ba kayo ni Miguel?"

"I think so. Not sure"

Sa gitna ng biyahe, saglit niya akong nilingon. "You should know, mahal ka ng kapatid mo."

Ngumiti ako at marahang tumango. "I know, and unfortunately, his love for me is not enough para makinig siya sa 'kin. He's so stubborn. He knows that I don't lie to him kaya alam niyang totoo ang sinabi ko tungkol kay Vida. But news flash, my brother is a martyr."

"He's trying too hard to be okay with it. But he's a grown up now. Kung ano man ang desisyon niya, he has to face the consequences."

"We were not siblings for nothing, Gerard. I have to protect him. That's what families do."

"Even if it means hurting them?"

Bumuntonghininga ako at marahang tumango. "Yeah."

Pagdating sa school, dumiretso na kami sa kaniya-kaniya naming building. Naabutan ko sa classroom si Mae na nagbabasa habang wala naman sa sarili si Chelsea na nakatitig lang sa sahig.

Hinila ko ang isang earphone niya kaya lumingon siya sa 'kin. "How's Miguel?"

"He's good." Ngumiti ako sa kaniya. "Gusto mo ba siya?"

Natigilan siya sa tanong ko at saka ngumiti umirap. "Hindi ako mahilig sa basketball player."

Sumingkit ang tingin ko sa kaniya. "Okay, fine."

Pumasok si Vida sa silid kaya awtomatikong umikot ang mga mata ko. Maya-maya, nag-vibrate ang cellphone ko kaya binasa ko ang text ni Miguel.

Hindi nagrereply si Vida. Nasa klase mo ba siya?

I'm Yours to KeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon