"Years ago... he's my favorite human." Lumipad na ang isip ko sa panahong nasa ampunan pa ako, bago nangyari ang lahat.
Naghuhugas ako ng mga pinagkainan nang napabalikwas ako sa kung anong nabasag. Hala ano 'yon? Paglingon ko sa likod ko, nakita ko si Bingo na hawak ang pitsel at sa paanan niya, nandoon ang bubog galing sa nabasag na baso.
"Anong ginawa mo?"
Sinamaan niya ako ng tingin at padarag na nilapag ang pitsel sa lamesa. "Nabasag."
Nang marinig ko ang boses nila Sister, agad akong lumakad sa tabi ni Bingo at pinulot ang mga bubog.
"Anong nangyari rito?" Narinig ko si Sister Isabel na nakadungaw sa akin.
Ngumiti ako at inangat ng bahagya ang bubog. "Sasalinan ko po sana ng tubig yung baso, kaso... natapon po." Ngumiti ako at tumanaw kay Bingo na nakatitig lang sa 'kin. Siguro nagulat sa sinabi ko.
"Hayaan mo na 'yan diyan, Caroline. Papupuntahin ko si Bong para linisan 'yan." Inalalayan ako ni Sister na tumayo kaya binitawan ko na ang mga bubog sa sahig.
"Ikaw, Bingo. Sumama ka na kila Sister Felly para maglinis ng bakuran."
Nagkamot ng ulo si Bingo at saka umalis na habang naglakad naman sa isa pang pintuan si Sister Isabel para makalabas. Bumalik na ako sa paghuhugas pero napangiwi ako sa hapdi nang mabasa ang daliri ko. Doon ko lang napansin ang isang hiwa galing sa bubog. Kagat ko ang labi ko habang tinitiis ang hapdi para lang matapos na.
Maya-maya, may kung sinong humila sa pulsuhan ko at saka ko natanaw si Bingo. "Ako na diyan. Doon ka na."
Hinila niya ang braso ko para makababa sa bangko at siya naman ang tumungtong doon. Ngumiti lang ako at saka umalis na. Habang tumutulong sa paglilinis, may isang band aid na humarang sa mukha ko. "Ilagay mo 'to." Walang ekspresyon ang mukha niya kaya hindi ko alam kung galit ba siya o ano.
Kumunot ang noo niya at hinila ang kamay ko kaya nabitawan ko ang walis tingting. Dahan-dahan niyang inalis ang balot ng band aid at saka 'yon idinikit nang paikot sa daliri ko. Kusa na akong napangiti habang pinagmamasdan siya. "Guilty ka, 'no?"
Kumunot lang ang noo niya at hindi na sumagot. Mas lalo lang akong napangiti habang nakadungaw sa kamay kong marahan niyang hinihipan.
Dinungaw ako ni Gerard. "Then... how come that he's someone you're afraid of?" Pumikit ako at mas dinama ang yakap ni Gerard mula sa likod ko, convincing myself that I don't have to be scared because he's with me. Naramdaman ko ang pahinga niya nang malalim at pagtango. "You will be okay."
Ngumiti ako at tumango rin. "Gusto ko na lang mawala 'to. Itong takot na ilang taon ko nang iniipon. I never saw him again at baka hindi ko na talaga siya makikita pa, but the mere thought of him scares me. I had so many questions na siguradong dadalhin ko na lang sa hukay ko, but despite this fear, I wish to see him one last time. Ang gulo ko ba?"
"Sinubukan mo na ba siyang hanapin?"
I chuckled and cleared my throat. "I don't want to see him enough to find him myself."
"If only there's something I could do."
Ngumiti ako. "Well, there is." Humarap ako sa kaniya at hinila ang suot niyang pullover para mahalikan siya. He held me closer and claimed my lips with all his might.
"Does this help you?" He whispered with our lips still touching.
"No."
He smiled. "Then what is this for?"
"This is a good place. I'd like to add some making out in my memory here."
He chuckled and claimed my lips again, almost lifting me. When we were satisfied, hinatid niya na ako sa bahay para makauwi. We missed two subjects, but I'm sure I can make up for it.
Nilingon ko siya bago bumaba ng sasakyan. "Thank you."
Hinaplos niya ang braso ko at saka tumango. "Anytime."
Pagbaba ko, natanaw ko kaagad si Tita Janice na aburidong nag-sasalansan ng garbage bag sa basurahan. Lumapit ako agad para tulungan siya pero nagulat siya nang makita ako. "Jusko, Caroline! Anong nangyari kay Miguel? Bakit puro pasa 'yon? Tsaka saan ka ba galing? Kanina ka pa niya hinahanap."
"Uh, napaaway po, e. Nasaan siya ngayon?"
"Nasa taas yata. Kakauwi niya lang din."
Binuhat ko ang garbage bag at inilagay sa malaking drum. "Sige po. Akyat na 'ko."
Pagbukas ko ng pinto, natanaw ko kaagad si Miguel na nakasandal patalikod sa lamesa. Nag-angat siya ng tingin at mabilis na inilahad ang cellphone niya. "I've been calling you the whole fucking day, Care. The fuck did you go!?"
"I—what's wrong with you? What's with the load of curse?"
"Ma-e-expell sila Vida, I can't contact you and you were nowhere to be found! Nag-alala ako."
"I was with Gerard. We went somewhere. What's your problem?"
Unti-unti siyang kumalma at naupo sa sofa kaya tumayo ako sa gilid niya. "Why do you have to do that, Care? You should've just let them go. Paano kung balikan ka nila?"
"I'm not scared. But don't tell me that you're actually mad because I got Vida expelled?"
Natigilan siya at umiwas ng tingin kaya bumagsak ang balikat ko. What the actual fuck? I huffed in disbelief. "I'm sorry, brother. That woman is a bitch, and those guys are assholes, but they're just unlucky that I'm your fucking sister."
"That's not what I meant, okay!? Ayoko lang na pag-initan ka rin nila!"
"Then have some balls so maybe you could protect me as well!" He froze but I'm in no time for any of his bullshit. "This is what siblings do, Miguel. They protect each other. They don't tolerate someone who treats them like shit."
Huminga ako nang malalim at pinagmasdan siya. "Alam mo ba kung paano tayo napunta rito? It's because you're so desperate for someone to love you that you've taken for granted those who already do. Pinili mo siya kaysa sa 'kin and yes, I'm still mad about it because she's not even worth it and deep inside I know that you know that too."
Nangilid ang luha ko habang nararamdaman ko ang panginginig ng buong katawan ko dahil sa pinagsamang sakit at lungkot. "All I wanted is a family and you just proved to me that it's a luxury I could never have."
"Care... I'm sorry."
"I'm tired with all the drama and finally, it's over. Let's just move on." Inalis ko ang bag ko mula sa pagkakasabit nito sa balikat ko at tamad na pumasok sa kwarto.
This is the part of this cruel world that I don't want to face. That I will always be an orphan who is never enough. God knows that I'd trade my soul just to have a family, and lucky for those who go out of their house and come back knowing that one is waiting for them. Miguel is the only family that I have, and I gave my best to protect him, but I guess this is what families do as well: they disappoint each other.
BINABASA MO ANG
I'm Yours to Keep
General FictionCaroline meets the new student, and with his nerdy, shy vibe, he makes her feel safe right away. But it doesn't take long for her to realize she trusted him way too quickly. He ghosts her. No one knows where he went, and that's when she realized she...