The retreat went well. Nothing over-the-top really happened. Hindi rin naman kami nakagala sa lugar kaya panatag na ako sa paligid ng retreat house. We did many activities and Vida complained to all almost all of them. Sa hapag lang yata siya tahimik.
While Mae wasn't able to come. They postponed their trip nang magkasakit ang lolo niya. It was a peaceful two-day stay in Quirino, and my fear over that place simmered down each passing hour. It feels like I'm already healing.
Nang makabalik kami, tila napawi ang lahat ng bigat na nararamdaman namin. Another week had passed. Everything seems possible and we're a lot more optimistic. It felt weird too, kapag ganito kakalmado, parang may mali.
Sa pintuan ng kwarto niya, pinagmamasdan ko si Miguel habang tinitignan niya ang sarili niya sa salamin. Suot niya ang uniform na gagamitin niya para sa OJT. He will graduate this sem kaya isang thesis at OJT hours na lang ang kailangan niyang bunuin.
Buti na lang at may iba pa siyang pagkakaabalahan para hindi niya masyadong maisip si Vida. Tapos na rin ang basketball tournament season last month, kaya hindi siya masyadong mahihirapan magbalanse ng oras.
Umiling siya na parang hindi makapaniwala sa nakikita niya sa salamin. "Hays, ang gwapo ko."
Mula sa pagkakatayo ko sa pintuan, naupo ako sa silyang katabi ng study table niya. "That's probably the only reason kung bakit natiyaga ka ni Vida."
Umismid siya at inayos ang laylayan ng polo niya. "Should I change my tie?"
Sasagot pa lang ako pero narinig ko ang busina ng sasakyan sa labas kaya lumingon ako sa bintana. "He's here. Let's go."
Orientation ngayon ni Miguel para sa OJT at napagpasiyahan namin ni Gerard na ihatid siya. A week had passed, and it's mysteriously calm pero hindi pa rin talaga napapalagay ang loob ni Miguel kay Gerard. I hope na dahil pumayag siya ngayon, he'll give him a chance.
Kinuha ko na ang bag ko at naunang lumabas. Gerard smiled at me kaya lumapit ako para salubungin siya ng halik.
"How's your morning?" he asked.
"Same old, same old."
Tumikhim si Miguel mula sa likod at dire-diretsong lumapit sa sasakyan ni Gerard. "Let's go, bawal ma-late ang boss."
Natawa na lang ako at pinanood siyang pihitin ang pinto ng backseat. I thought he's gonna take this chance to roast Gerard pero buong biyahe siyang nakatutok sa cellphone niya. Nilingon ko siya nang makarating kami sa tapat ng hotel. "We're here. Sino bang ka-text mo?"
"Si Chelsea. Umuwi ka nang maaga, a. 8 pm."
"Mukha mo 8 pm. Sige na."
"Goodluck," ang sabi ni Gerard.
Tumango lang si Miguel at pinihit na pabukas ang pinto. Nang makababa siya, saka na muling pinaandar ni Gerard ang sasakyan. Pinagmasdan ko siya ang habang nagmamaneho. "You seem way calmer around Miguel now."
He smiled at me at saka tumango. "Nasasanay lang."
I chuckled and let him take me somewhere. Napangiti ako nang matanaw ang malaking gusali ng National Museum. He parked his car at sabay kaming bumaba. "I didn't know that you're fond of places like this."
"It's peaceful and I know you'd like it here." Saka niya itinuro ang puting t-shirt kong may artwork ng evolution of man.
"So, you pay attention to details."
"Usually if it's about you."
Napangiti na lang ako at sabay kaming pumasok sa museum. We signed on a logbook at saka tinahak ang isang pasilyo na purong puti ang dingding. He held my hand as we admired the pictures on the wall. Mga national symbol ang makikita sa larawan tulad ng mga itinuturing nating pambansang hayop, ibon at iba pa.
BINABASA MO ANG
I'm Yours to Keep
General FictionCaroline meets the new student, and with his nerdy, shy vibe, he makes her feel safe right away. But it doesn't take long for her to realize she trusted him way too quickly. He ghosts her. No one knows where he went, and that's when she realized she...