Chapter 11

756 38 0
                                    

Nag-aayos ako ng gamit ko nang marinig ko ang busina ng sasakyan sa labas. That must be Vida again kaya hindi muna ako lumabas ng kwarto. Tinitignan ko na lang ang sarili ko sa salamin at pabalik-balik na ang tingin ko sa relo ko pero parang hindi ko pa rin naririnig na umaalis ang sasakyan. Binuksan ko ang pinto ng kwarto at natanaw si Miguel na nakatayo sa labas ng bahay.

"My sister doesn't like nerds."

Nanlaki ang mga mata ko dahil kahit si Miguel lang ang tanaw ko sa pinto, alam ko kaagad kung sino ang kausap niya. It's not Vida. Naglakad ko agad palapit sa pinto at natanaw si Gerard.

Tumikhim ako at bumaling kay Miguel na agad namang umismid. Ginagantihan niya ako sa pagsusungit ko kay Vida, but he must know that she and Gerard were totally different. Justified ang inis ko kay Vida, pero itong inis niya kay Gerard, binabawian niya lang ako. "Stop messing with him."

He sarcastically chuckled and pointed his finger at Gerard. "Why do you keep hanging out with him?"

Hell. This is getting toxic. "So, what if I hang out with him? He's not a monster like Vida."

"Stop comparing."

"Look. Hindi mo 'ko pwedeng gantihan dahil lang ayaw ko kay Vida. Everyone knows what she really is. Ikaw lang ang nagbubulag-bulagan."

"Stop it."

I rolled my eyes and stepped outside. "Huwag mo nang pilitin ang sarili mo. Kung nag-si-stay ka lang dito dahil sa utang na loob mo sa 'kin, then forget it. Sumama ka kay Vida kung gusto mo."

Naglakad na ako pero hinila niya ang braso ko kaya napaharap ako sa kaniya. My heart is aching everytime I look at him. My brother that I protected for years is a grown up now. Kailangan ko 'yong tanggapin.

"Care..."

"Just go, okay?"

He sighed as he stared at me. "If you tell me right now to leave Vida, I will leave her then."

Nilingon ko si Gerard na agad namang itinuro ang sasakyan niya at nauna nang magtungo roon. Hinarap ko nang maigi si Miguel. Bumuntonghininga siya habang pumupungay ang mga mata. "Family comes first, Care. Just say the word, I will leave her."

I don't know what to say. He looks so serious, but I sensed his sadness. Marahan akong umiling. "Hindi ko 'yon gagawin. I won't let you blame me for your unhappiness because I told you gave her up. Matanda ka na, dapat marunong ka nang kumilatis ng tao."

Tumalikod na ako at naglakad patungo sa sasakyan ni Gerard. Pagsara ko ng pinto, napasinghap agad ako at sumandal sa upuan. I never imagine an argument with Miguel on a daily basis. Nakakapagod na.

Tahimik lang kaming pareho ni Gerard habang pabalik-balik ang tingin niya sa 'kin. "Are you okay?"

Umiling ako habang nakatanaw pa rin sa labas. "Miguel told me that if I insist this time, he will actually leave Vida."

"But you're not happy about it?"

Minasahe ko ang sentido ko at marahang umiling. "I've said something totally different, but the thing is, he's truly happy with her."

"And for you, the only thing that matters is your brother's happiness."

Nilingon ko siya at tumango. "But I still don't like the idea."

"Sa palagay ko, normal lang 'yon."

"Normal?"

"Miguel doesn't like the idea that we're hanging out and you hate the idea that he and Vida are dating. Maybe, that's a normal thing between siblings. I'm just guessing."

I'm Yours to KeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon