Padarag na binuksan ni Chelsea ang locker niya sa gilid ko. "Duda talaga ako. Halatang peke!"
Lumingon sa amin si Mae na kakatapos lang kumuha ng gamit sa locker niya. "If she's really playing with your brother and pretending to be in love, she'll get tired sooner or later. She can't pretend forever."
Marahan akong umiling. "But I can't just wait for it to happen. Kapag napagod siya, ibig sabihin itatapon niya na ang kapatid ko. Miguel really likes her, kaya kailangan niyang matauhan habang maaga pa."
Umismid si Chelsea sa tabi ko habang padabog na naghahanap ng kung ano sa locker niya. "Ewan ko ba diyan sa kapatid mo. Ang dami namang iba diyan. Ano 'yan, hayok na hayok bang magka-girlfriend 'yan? Gwapo naman siya! Kahit sinong gustuhin no'n, hindi siya maba-basted!"
Napabuntonghininga na lang ako habang inilalagay sa locker ang ibang papel ko galing sa bag. "E, si Vida nga ang gusto."
Mae chuckled as she scanned her newly bought manga. "Chelsea is overreacting."
Nanlaki ang mga mata ni Chelsea at saka umirap. "Overreacting? Vida is playing with him. 'Di ka man lang ba nag-aalala sa kapatid ng kaibigan mo?"
Inayos ni Mae ang salamin niya at ngumiti. "I'm just equally concerned."
Napabuntonghininga na lang ulit ako at isinara ang pinto ng locker ko. "Sige na, sa library na 'ko." Kumaway lang na lang ako sa ere at saka tinahak ang mahabang hallway. Pagbaba ko sa lobby ng AD Building, dumapo agad ang tingin ko sa kumpulan ng mga estudyante sa isang bench. Sa gitna nilang lahat, nakalingkis si Vida kay Miguel habang nagkukwentuhan.
Umirap na lang ako at nagmadali na sa paglalakad pero tinawag ako ni Vida. "Care!"
Binura ko ang simangot sa mukha ko at lumingon. Kitang-kita ko ang paninitig ni Miguel habang nakatayo ako sa tapat nila. I can also see in his eyes na parang nagmamakaawa ng pag-intindi galing sa 'kin.
Tumayo si Vida at marahang kumaway. "Hi, Care. Gusto ko ipagpaalam si Miguel. Manonood kami ng concert. Matagal na kaming nakabili ng ticker pero sayang naman kung hindi kami tutuloy just because you're in a bad mood. Do you know the band Boys Like Girls?"
Hindi ako tumango o ngumiti man lang. Blangko ang ekspresyon ko habang pabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Pwede ko ba ihampas itong bag ko sa babaeng 'to?
"Ngayon niyo pa naisip magpaaalam."
Umiwas ng tingin at natahimik ang mga kasama nila habang tipid namang ngumiti si Vida. "But we don't need your permission to be together, right? About the concert, we just want to tell you kasi late na makakauwi si Miguel mamaya."
Natigilan ako at pinagmasdan si Vida. Sobrang inosente ng mga mata niya but she smirks like a freak.
"Bal..."
Nilingon ko si Miguel at nginitian. "I'm not your twin." Pinagsisihan ko agad ang sinabi ko pero tumalikod na 'ko at nagsimulang maglakad. He usually calls me bal but I was really irritated to hear it from him earlier.
Pagdating ko sa library, sunod sunod kong pinaghahampas ang call bell dahil sa ingay ng mga estudyante. Nilingon ko si Ellaine na student assistant din dito. "Bakit hinahayaan mong ganito kaingay?"
Nagkamot lang siya ng ulo at saka tinuro ang mga library card. "Ang dami ko kasing pinipirmahan."
"Igilid mo na yan."
Dinala niya sa kabilang desk ang mga cards habang ako ang pumalit sa stool na inuupuan niya. Pinatong ko ang bag ko sa estante na nasa ilalim ng desk. Maya-maya, may lumapit na estudyante at nag-abot ng library card. Dito sa Del Cielo College, ine-encourage ang lahat ng estudyante na gumamit ng library kaya karamihan sa mga thesis, projects at additional information, dito kinukuha at trabaho naming pumirma ng library cards.
BINABASA MO ANG
I'm Yours to Keep
Ficțiune generalăCaroline meets the new student, and with his nerdy, shy vibe, he makes her feel safe right away. But it doesn't take long for her to realize she trusted him way too quickly. He ghosts her. No one knows where he went, and that's when she realized she...