Chapter 4

1.2K 61 2
                                    

Lumilipad na ang isip ko habang pinagmamasdan si Miguel sa malayo na kasama si Basty sa naka-set up na mini bar sa gilid. Kahit sa kaniya ako nakatingin, hindi mawala sa isip ko 'yong lalaking nakasabay ko kanina. I didn't even get to know his name when we parted ways at the entrance. Chelsea approached me as soon as I entered the event hall at sobrang bilis ang pangyayari kaya hindi ko na alam kung nasaan na ang lalaking 'yon.

Tahimik lang akong kumakain habang si Chelsea, nakikipag-usap kay Vince na kasama namin sa iisang lamesa. May tumutugtog na banda sa harap habang sinasabayan ng isang kaibigan ni Vida ang bokalista.

Lumingon ako kay Mae at kinalabit siya nang makitang nagbabasa siya habang kumakain. "Sobrang ingay dito. Naiintidahan mo pa ba 'yang binabasa mo?"

Ngumiti siya at tumango habang inaayos ang suot niyang salamin. "Yep. I can block the outside noises if I want to."

Ngumiwi ako at marahang tumango. Pinanood ko siyang dumukot ng chocolate-coated marshmallows sa plato nang hindi inaalis ang tingin sa hawak niyang libro. Biglang sumagi sa isip ko ang lalaking kasama ko kanina. Their style was almost the same, bagay sila.

"Sino yung kasabay mong pumasok kanina?"

Napalingon ako kay Chelsea na nag-aabang na ng sagot ko. Tumingin ako sa paligid at nagbaka sakaling mahanap ang tinutukoy niya. "Nagkaproblema kanina sa daan kaya hinatid niya 'ko papunta dito."

"What a small world. Invited din siya dito sa party ni Vida?"

Tumango ako habang lumilingon pa rin sa paligid. "Yes. May invitation siya."

"Nacu-curious talaga ako kanina pa."

Bumaling ako sa kaniya at naghintay pa ng sasabihin niya.

"Sabi mo may kasama ka pero sigurado akong pagpasok mo ng hall, wala namang tao sa tabi mo."

Tumagilid ang ulo ko habang inaalala ang nangyari. "Sigurado akong kasama ko pa siyang pumasok sa hotel at naglakad papunta dito. Pero ewan, baka humiwalay na bago mo pa 'ko napansin."

Pareho naman kaming clueless kung bakit biglang nawala 'yong lalaki kaya tinigilan na naming mag-usap tungkol doon. Nagpatuloy ako sa pagkain habang sumusulyap kay Miguel na nakaupo na sa isang round table kasama ang mga kaibigan niya. I watched him pour a drink on his glass nang bigla kong matanaw ang kanina ko pa hinahanap. At the mini bar behind their table, there's that guy.

I watched him drink on his glass and wipe the side of his mouth. Lumingon siya sa gawi ko and I held my breath when our eyes met. Agad siyang humarap sa counter kaya nakatalikod na siya sa 'kin.

"Nakita ko na siya, Chel. Lalapitan ko lang."

"Ha? Asan?"

Tinuro ko ang gawi ng lalaki pero nagulat akong wala na siya roon. What the... Muli kong inilibot ang paningin ko at tinitigan ang bawat taong madadaanan ng paningin ko.

"Sure ka nakita mo?"

Tumango ako at tumayo para makita nang maigi ang mga tao. He must be somewhere here. Did I make him uncomfortable kaya lumipat siya ng pwesto?

Sa gilid ng mata ko, nakita kong gumalaw si Mae kaya napalingon ako sa kaniya. For the first time tonight, nawala ang tingin niya sa libro niya. She's staring at someone behind me kaya nilingon ko rin 'yon.

Oh, it's him.

"Siya ba hinahanap mo?"

Bumaling ako kay Mae na ina-adjust na ang salamin at nakatitig na ulit sa libro niya. Paglingon ko sa lalaki, may hawak na siyang plato at namimili ng dessert sa buffet table habang may hawak na baso ng juice sa kabilang kamay.

I'm Yours to KeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon