Tumitig ako sa mga estudyante dahil karamihan sa kanila, may pinag-uusapan habang nakatingin sa cellphone ng isa't isa. Lumabas ang librarian para sa isang meeting at ako lang ang student assistant na nandito kaya wala akong mapagtanungan kung anong pinag-uusapan nila.
Maya-maya, natanaw kong pumasok si Chelsea sa pinto. Dumiretso siya dito sa counter at pinagpipindot ang bell kaya mabilis ko itong inagaw sa kaniya. "Baliw ka ba?"
"Ang iingay, e. Anyway, alam ko kung anong pinag-uusapan nila." Ngumisi siya at tumaas-baba ang kilay.
Napangiti ako agad at ipinatong ang magkabilang kamay ko sa counter. "Ano?"
May kinalikot siya sa cellphone niya at saka inabot sa 'kin. Umawang ang bibig ko habang pinagmamasdan ang picture. "Oh, man."
Sabay kaming nagpigil ng tawa habang umiiling siya. "Alam ko na talagang hindi siya seseryosohin ni Gabe. Tanga talaga."
Nilingon ko naman si Mae sa gilid ng isang shelf. Tahimik siyang nagbabasa at walang pakialam sa paligid. Mas lalo siyang naging timid when she got Vida's bad side last Intrams. Ipinahiya siya nito sa oval thru cutting her skirt habang naglalakad.
Now, it turns out Vida's boyfriend was not faithful—which was not a surprise—so everyone's talking about her now. Masasabi kong mahigit sa kalahati ng mga nakakakilala kay Vida ang naiirita sa kaniya. She's a bitch, she's childish, manipulative, and insensitive, but no one really dared to speak to her about it. They basically waited for this day. 'Yong tipong karma na mismo ang kusang dadapo sa kaniya.
Marami na siyang pinaglaruang mga lalaki at ngayon, siya naman ang niloko at pinagpalit. As to why was I so bothered about all of this is because I feel something wrong was about to happen. Vida won't just sit around while people spread photos of Gabe and his new chick.
Speaking of the Devil, bumukas ang pinto at pumasok si Vida. Pinagtinginan siya agad ng mga estudyante rito habang dire-diretso siyang naglakad palapit kay... Mae.
Binuksan niya ang hawak niyang insulated tumbler at napatayo ako agad nang maisip kung anong balak niyang gawin. Dali-dali niyang ibinuhos kay Mae ang laman nito kaya umalingasaw agad ang matapang na amoy ng kape dahil air-conditioned ang buong library. Lalong lumakas ang bulungan ng mga estudyante—kung nagbubulungan man sila—habang pare-parehong nakikiusyoso sa nangyayari.
Hinila ni Vida ang kwelyo ng suot na blouse ni Mae. "Where is my phone!?"
Binilisan ko na ang paglapit at hinablot ang braso ni Vida. "Tama na, nasa library kayo—"
"I don't care!" Saka siya muling bumaling kay Mae. "This bitch stole my phone!"
Hinintay namin ang sagot ni Mae pero marahan lang siyang umiling habang nakayuko at tumutulo ang kape sa dulo ng buhok niya. Bumaling ako kay Vida at hinarap siya sa 'kin. "Wala raw sa kaniya. Umalis ka na kung ayaw mong ipalinis ko sa 'yo 'tong kalat mo."
"Oh? Sino ka naman para utusan ako?"
Ngumisi ako at nagkibit-balikat. "Sige, inisin mo 'ko. Walang janitress ang maglilinis nito para sa 'yo."
Umirap na lang siya at binunggo ako para makadaan. Paglingon ko kay Mae, marahan kong tinapik ang balikat niya. "Tawagan mo na 'yong driver niyo para maihatid ka pauwi." Tumango lang siya habang nanginginig ang kamay na nagtitipa sa cellphone niya.
Nanatili ang titig ko sa janitress na naglilinis habang isa-isa nang nag-aalisan ang mga estudyante. Kanina pa nakaalis si Mae at lumilipad na lang ang isip ko sa nangyari. Kinatok ni Chelsea ang ibabaw ng counter kaya nilingon ko siya sa gilid ko. "Oh?"
"Alam mo ba kung saan galing 'yong mga picture ni Gabe at 'nung babae niya?"
Umiling ako habang pinaglalaruan ang hawak kong ballpen.
"Sa nawalang cellphone ni Vida." Nilingon ko siyang nakangisi lang habang nagsusulat ng assignment. "Siya pala 'yong unang nakaalam na niloloko siya ni Gabe."
Napailing na lang ako habang nililigpit ang gamit ko. So, she knew, pero hindi siguro kaya ng pride niyang sugurin 'yong babae. That girl must be someone of higher status then. Tamad kong nilingon ang wall clock dahil classmate ko sa unang subject si Vida. Irregular ang babaeng 'yon kaya kahit hindi namin ka-college, naging kaklase namin sa general subjects.
Paglabas namin sa library, itinuro ni Chelsea ang kaliwang sidewalk. "Sa gym muna 'ko."
Naalala ko bigla ang two-by-two pictures na pina-print sa 'kin ni Miguel kaya sumama na 'ko sa kaniya. Gusto ni Miguel na mag-try out para sa basketball team at ngayong araw ang unang batch.
Nakaupo siya sa unang baitang ng bleachers kasama ang iba pang nakapila. Ngayon ang pasahan ng requirements nila kaya nagtipon-tipon sila rito.
Sakto lang ang laki ng katawan niya at mas matangkad siya sa 'kin pero dahil sa palaging pagyuko at tipid na kilos, nagmumukha siyang bata. I walked faster pero natigilan ako nang tumama ang bola sakto sa ulo niya.
Shit.
Nagulat ang ibang mga estudyante sa bleachers habang naglalakad naman palapit sa kaniya ang isang grupo ng mga lalaking nagtatawanan. Huminto sa gilid niya ang isa sa kanila at kinuha ang bola sa nakapulot nito. Saka niya ginulo ang buhok ni Miguel habang ang isa pang lalaki, tinapik-tapik siya sa pisngi.
"Ays lang 'yan. Malayo sa bituka."
Saka nila siya isa-isang tinapik sa likod na sadyang nilalakasan. My brother, who was obviously getting bullied, just sat there quietly habang nakatingin sa registration booth. Inagaw ko ang bola sa lalaking may hawak nito at padarag na hinagis sa mukha niya.
"What the fuck!?"
"Holy sh—"
Nagpanggap akong nagulat. "Oops, sorry..."
"Tanga ka ba!?"
Lumapit ako at tinignan siya mula ulo hanggang paa. "Buti nga ako nag-sorry, e. Ikaw? Nag-sorry ka ba sa kapatid ko?"
Bumaling siya kay Miguel at saka lumingon sa 'kin. "You won't get away with this."
Ngumiti ako at tumango. "I'm waiting."
Nakipagtagisan pa siya ng tingin bago tuluyang humakbang patalikod. Sumingit ako sa tabi ni Miguel at sa lalaking katabi niya para makaupo sa bleacher.
"What did you do?" he whispered.
Iniabot ko ang maliit ng envelope sa kaniya. "Sinabi ko na kasi sa 'yong hindi matino mga lalaki dito. Kahit ano na lang sana, 'wag lang 'tong basketball."
Marahan siyang umiling. "It's nothing, I'm fine."
Natawa na lang ako habang hindi makapaniwala. "Sa haba ng pasensya mo, paulit-ulit ka lang nilang gaganyanin. Can you try to stand up for yourself sometimes?"
"Since I hit my father with that bat, I promised that I will never hurt someone again."
Natigilan ako habang nakatitig sa kaniya. Nang makabawi, lumingon ako agad sa paligid para tignan kung may nakikinig. Umiling ako habang nakatanaw sa mga nagfi-fill-up ng kung ano sa isang lamesa sa harap. "We did not go through all that shit para lang magpa-bully ka nang ganito ngayon. Turn your weakness into weapon and people will not dare mess with you."
Saglit siyang natahimik at marahang yumuko. "I will fight back..."
Napangiti ako agad.
"... if they hurt you."
Nabawasan ang ngiti ko pero tinapik ko na lang siya sa balikat. He shouldn't be worrying about me.
"One day, you're gonna have to fight back."
Because we're not sure if Diego was dead. If he's alive, he will surely come back. Inagaw ko ang papel sa kaniya at kumuha ng glue sa bag ko. "Hanapin mo nga sa paligid si Chelsea."
"Nandito siya?"
"Oo, kasama ko."
Paglingon ko sa kaniya, nakita ko ang saglit niyang pagngiti bago lumingon sa paligid. Mas lumawak ang ngiti ko habang nilalagyan ng glue ang likod ng picture. He wants to join this team so I guess, all I could do was support him because that's what families do.
BINABASA MO ANG
I'm Yours to Keep
Ficción GeneralCaroline meets the new student, and with his nerdy, shy vibe, he makes her feel safe right away. But it doesn't take long for her to realize she trusted him way too quickly. He ghosts her. No one knows where he went, and that's when she realized she...