Kinaumagahan, hindi ko pinapansin o tinatapunan man lang ng tingin si Miguel. Nakikita ko sa gilid ng mga mata ko na sinusulyapan niya 'ko habang kumakain pero nanatili ang tingin ko sa lamesa.
"Care, you can't punish me just because I love her. Don't be petty."
Napabuntonghininga na lang ako at dumiretso na sa kwarto pagkatapos kumain. Kahit abala ako sa pag-aayos ng sarili ko, hindi nakatakas sa pandinig ko ang busina sa labas. Nasundan pa ito kaya lumapit ako sa bintana at binaba ang blinds.
Alam kong kay Vida ang sasakyan kahit na tinted ito. Narinig kong bumukas ang pinto at padarag na sumara hanggang sa natanaw ko si Miguel na naglalakad palapit kay Vida. He hugged her and caressed her arm. "Good morning."
Ew.
"Where's Care?" Lumibot ang tingin ni Vida sa buong apartment kaya mabilis kong sinara ang bintana.
Pagkatapos kong mag-ayos, panibagong busina na naman ng sasakyan ang narinig ko kaya napalingon ako sa bintana. Imbes na sumilip pa ulit, kinuha ko na ang bag ko at prenteng naglakad palabas ng apartment. Nasalubong ko si Tita Janice na kakababa lang sa tricycle. "May sundo ka ngayon, a?" Saka siya lumingon sa sasakyang nasa labas.
Umiling ako agad at ngumiti. "Wala po. Sa iba 'yan."
Mas lumawak ang ngiti niya at saka naglakad patungo sa hagdan na paakyat sa second floor ng apartment. Habang naghihintay ng tricycle, pinagmasdan ko ang sasakyan sa kabilang kalsada. Doon ko lang napagtantong pareho ito sa sasakyan ni Gerard, at nakumpirma ko nga nang bumaba siya at kumaway sa 'kin habang nakangiti. "Hi."
Umawang ang bibig ko habang pinagmamasdan siya. He adjusted his glasses and scratched his nape as he stared at me. "Good morning."
"Anong ginagawa mo rito?"
Unti-unting napawi ang ngiti niya at saka naging aligaga ang mga mata. Itinuro niya ang sasakyan niya at muling ngumiti. "Sabay na tayong pumasok?"
Napangiti na rin ako at marahang tumango. "Ang laki mong tipid sa pamasahe."
Mas lumawak ang ngiti niya habang pinagbubuksan ako ng pinto. Kinabit ko agad ang seatbelt nang makaupo ako at pinagmasdan siyang umikot patungo sa driver's seat. Kinuha niya ang isang kape sa tray na nasa dashboard at inabot sa 'kin. "Coffee?"
"Nandito na, e. Tatanggi pa ba 'ko?"
He chuckled and let me sip on my coffee. Tahimik lang kami sa biyahe hanggang sa sumulyap siya sa 'kin para magtanong. "Is she your mother?"
"Sino?"
"'Yong ale sa labas ng apartment."
Marahan akong umiling. "Nope. She's Tita Sandy. Landlord ng apartment at pinsan ng mama ko."
Muling natahimik ang paligid pero mukhang nape-pressure siya sa katahimikan kaya nakaisip ulit ng itatanong. "Have you talked to your brother about last night?"
Nagkibit-balikat ako at tumanaw sa labas. "Sinukuan ko rin. Desidido siya kay Vida. Hindi ko alam kung anong ipinakain ng babaeng 'yon sa kapatid ko."
"Is she..."
Nilingon ko siya at naghintay ng sasabihin niya.
"Bad?"
I chuckled and gazed outside. "She's problematic. And we're mortal enemies. Baka gusto niyang gumanti sa 'kin gamit ang kapatid ko."
"Isn't that a little melodramatic?"
Napalingon ako sa kaniya habang nangingiti. "Yeah, I know. But she's Vida kaya posible 'yon."
BINABASA MO ANG
I'm Yours to Keep
Ficção GeralCaroline meets the new student, and with his nerdy, shy vibe, he makes her feel safe right away. But it doesn't take long for her to realize she trusted him way too quickly. He ghosts her. No one knows where he went, and that's when she realized she...