Chapter 9

859 39 1
                                    

Hinanap ko na ang bag ko para makaalis na kami pero tumayo siya agad at pinigilan ako.

"Are you sure you're fine? Baka nahihilo ka pa."

"I'm fine. Ma-le-late ako sa next class ko."

Tumango siya at siya na ang kumuha ng bag ko. "Where?"

"Sa auditorium. We'll watch some stuff." Pinanood niya ako nang mabuti habang tumatayo kaya natawa ako at umiling. "I told you I'm fine."

Kumirot ang tagiliran ko kaya natigilan ako sa pagtayo mula sa kama. He quickly held my arm habang nakalapat ang palad niya sa likod ko. Napangiti ako at nilingon siya. "Thanks."

We went out of the room and did all the paper works that Shiela gave us. Paglabas namin sa clinic, sabay na kaming naglakad patungo sa CT Building. "Ikaw? Saan ang sunod mong subject?"

Lumingon siya sa akin at inayos ang salamin niya. "Secret."

"Saan nga? Sige kapag hindi mo sinabi, F.O na tayo."

Kumunot ang noo niya. "F.O?"

"Friendship: over! Hindi ka naglalaro ng UNO?"

Umiling lang siya at ngumiti. "Sa DCSA."

Napanganga ako habang nakatingala sa kaniya. "DCSA, you mean Del Cielo Sand Artists Club? Marunong kang mag-sand art?"

Ngumiti siya at saka umiling kaya tumango ako habang nakatanaw na sa mga nakakasalubong namin. "So, trainee ka pa lang?"

"Yeah, I really want to learn."

Umangat ang gilid ng labi ko. "Marunong ako."

"Really?"

Nilingon ko siya at saka tumango. "Standing in front of you is one of the best Sand Artist of Del Cielo University." Ngumiti ako pero unti-unti ring napawi nang mapansin ko ang pagseryoso ng mukha niya. "Is there a problem?"

He smiled and looked around. "Nothing. I'm just... impressed. You're... you're a lot of great things. Can you, uh, teach me?"

Umirap ako at umiling habang nangingiti na ulit. "Sure. I actually." I did an air quote. "Retired already, since I won the Nationals."

"You won... the Nationals?"

My smile grew wider at saka tumango. "Freshman pa 'ko no'n."

Napalingon ako sa Gazebo nang mapansin ang kumpulan ng mga tao. Bumagsak ang balikat ko nang matanaw si Miguel habang hawak ang isang gitara. May isa pang lalaki na tumutugtog ng gitara sa tabi niya habang kumakanta si Vida sa isa sa mga bench.

Pinagmasdan ko sila nang mabuti. He's really enjoying their company. Hindi ko pa mapapansing huminto ako sa paglalakad kung hindi lang marahang hinaplos ni Gerard ang braso ko. "You, okay?"

"Paano niya nagagawang magsaya kahit alam niyang masama ang loob ko? He's so... insensitive." Umismid ako lalo nang lumakas ang boses ni Vida dahil sa pag-abot niya sa mataas na tono ng kanta.

"Mahal siya ng kapatid mo."

Umangat ang tingin ko kay Gerard na nakatitig kay Vida. "Alam ko, kaya ako lalong nakakainis. Mabalitaan ko lang na ginagago niya si Miguel, I will raise hell."

"She seems nice."

Napangiti ako at umiling habang pinagmamasdan si Vida. "Do you like her?"

"Well, yeah?"

Nilingon ko siya agad. "What?"

"I mean, I like her as uh..."

Namula siya nang matindi kaya natigilan ako habang pinagmamasdan siya. Napansin niya ang paninitig ko kaya natahimik din siya. "What's wrong?"

I'm Yours to KeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon