Chapter 5

1.1K 48 0
                                        

"Holy... shit."

Nilingon ko si Chelsea na wala ring ideya sa nangyayari. All this time, I thought Miguel likes Chelsea, but he ended up with that bitch?

I bit my lower lip as I watched the two sang SpongeCola's Tuliro. Miguel was enjoying every second habang ako, napapaisip kung paano sila nangyari. What on Earth made him think that Vida will take her seriously?

"Alam mo..."

Napalingon ako kay Gerard sa tabi ko. "Ano?"

"Hindi ka nagsasalita pero kitang-kita sa mukha mo 'yong opinyon mo."

Napabuntonghininga ako habang nakatanaw sa stage. Miguel never told me anything. When he pursues a girl, lagi niya akong sinasabihan. Then he would endlessly talk about her, but now... everything was a surprise.

The song changed at inabuan ng electric guitar si Miguel na agad niyang isinukbit sa katawan niya. Since when did he learn to play that? Humina ang banda at nagsimula na siyang tugtugin ang intro ng It's My Life ni Bon Jovi kaya muling naghiyawan ang mga bisita.

"This ain't a song for the brokenhearted."

Tumugtog ng sabay-sabay ang buong banda at nagtayuan na ang mga bisita patungo sa baba ng stage. Masaya siya habang tumutugtog. He's happy with the attention he's receiving from the crowd. Naninikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan siya. Matagal niya na 'tong gusto. To be known as someone who is good at something.

Pero hindi ko pa rin sila matanggap ni Vida. That girl is a campus bitch. She literally bully other girls and gets away with it. Kaya bakit siya pa? Miguel surely knows about her reputation so why on Earth would he fall for her? He knows how much I hate that woman. Masahol ang ugali, insecure at spoiled brat. Hindi lang siya maalis-alis sa school na 'to dahil sa impluwensya ng pamilya niya.

Bumaling ako kay Gerard na kumakain lang habang nakatanaw sa plato niya at marahang naghe-headbang sa tugtog. For some reason, he looks cool.

"Uuwi na 'ko."

Tinapik ko na siya sa likod at bumaba sa stool pero marahan niyang hinuli ang pulsuhan ko. "Ihahatid na kita."

"Hindi na. Magta-taxi na lang ako."

Ngumiti siya at tumayo na rin habang marahang pinakakawalan ang kamay ko. "I insist. Uuwi na rin naman ako."

Magsasalita pa lang ako pero naramdaman ko ang kalabit ng kung sino sa gilid ko. Nakatayo na si Chelsea at Mae sa likod ko.

"Kausapin mo 'yang kapatid mo. Ginayuma yata."

Sasagot pa lang ako pero nagsalita na si Mae. "Hindi mo ba kami ipapakilala sa kasama mo?"

Natahimik kami ni Chelsea pero ngumiti rin ako agad at tumango. "Girls, this is Gerard. Gerard, these are my friends, Chelsea and Mae."

Nagkamayan silang tatlo habang pinagmamasdan ko nang maigi si Mae. Hmm, so nerds are not totally timid. They can be friendly to people who are... like them?

"I'm going home, kayo ba?"

"We're staying." Mabilis na sagot ni Mae.

Tumango naman si Chelsea. "Magpapahatid ako sa driver ni Mae kaya mamaya na rin ako."

Tumango rin ako sa kanila at bumaling kay Gerard. "Let's go."

"You're going home too?"

Napalingon kaming tatlo kay Mae. Marahang tumango si Gerard at ngumiti. "Yes. Nice to meet you."

Nauna na siyang maglakad kaya pinagmasdan ko si Mae na bumaling agad sa stage. Chelsea tapped my shoulder. "Sige na. Ingat kayo. By the way..." Kumindat siya sa 'kin. "He's hot."

I'm Yours to KeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon