Tuluyan akong nanghina at bumagsak sa sahig, Miguel squatted in front of me. "Listen, Care. There were surveillance cameras inside this house, we set 'em up yesterday. Once he's in, we will go out and the SWAT team will raid him."
He said it like everything is so simple. Imposibleng gano'n lang kasimple. Someone will surely fuck up at masisira ang plano. Tears trickled down my cheeks when I realized that it could be me. Ngayon pa lang nag-si-sink in sa 'kin na buhay si Diego, and now this... para akong malalagutan ng hininga. All we have to do is to wait, but the fear is eating me. Nagbara ang lalamunan ko kaya pumikit ako kasabay ng pagtulo ng luha ko. Kumulog nang malakas at saka namin narinig ang pagbuhos ng ulan. Fear and sadness slowly consumed me.
Sinubukan akong itayo ni Miguel at muling pinasandal sa lamesa. He looked at me with reassuring eyes. "This will end today. Everything will be fine."
We waited for a few hours. Lumubog na ang araw pero walang Diego na dumating kaya nagtungo ako sa kusina at hinila ang blinds sa bintana para sumilip sa labas. Natanaw ko ang bahay kung nasaan sila Mama. Walang ilaw at tahimik. Kahit totoo ngang nandiyan sila at ang isang SWAT team, hindi pa rin ako mapanatag.
Bumalik ako sa sala. Miguel picked up a small case on the rack beneath the television. Nilapag niya ito sa coffee table para buksan at laglag ang panga ko nang makitang isang baril at mga bala sa loob ng case.
Napaatras ako kaya natigilan siya. "This is registered. Don't worry."
As if that's what I'm worried about. The last time I held a gun, I needed to pull the trigger, and now the man that I shot could be here any minute. Isa-isa niyang nilagyan ng bala ang magazine ng baril. When he finished, itinago niya ito sa likod niya at ibinalik ang case sa rack.
"We'll need our energy. Magluluto ako. Anong gusto mong kainin?"
"Anything..." Dahil hindi naman ako gutom at baka hindi rin ako makakain.
Nagtungo na siya sa kusina para magluto. Mas lumalim pa ang gabi habang naghihintay ako sa sofa pero napabalikwas nang mapagtantong nakatulog ako. Tumayo ako agad at nagtungo sa kusina. Natanaw ko si Miguel na naglalapag na ng plato at kubiyertos sa lamesa. Sunod kong tinignan ang wall clock sa taas ng TV. It's 9 p.m already.
Bumubuhos pa rin ang malakas na ulan kaya mas malamig na. Mula rito sa lamesa, natatanaw ang hagdan. Mula sa taas, ang guest room lang na nasa bandang dulo ng hagdan ang kitako mula rito. Lalakarin pa pakanan ang pasilyo para makita ang kwarto nina Miguel. Medyo natakot kaya hindi na pinatagal pa ang tingin ko sa ikalawang palapag.
Lumapit ako sa hapag at naupo sa tapat ni Miguel. Nagsandok siya ng pagkain para sa 'kin at tahimik kaming kumakain. Kahit sarado ang blinds ng mga bintana, parang nadadama ko ang paninitig ni Diego sa kung saan.
Nasa event siya kanina, ni hindi ko alam kung gaano siya katagal doon. Kung gaano katagal siyang nagmasid, nanood.
Napabalikwas ako nang marinig kong may pumihit sa doorknob ng back door na nasa bandang likuran ko. Nanlaki agad ang mga mata ko habang sumenyas naman si Miguel sa akin na huwag gumawa ng ingay. Nilingon ko ang pinto at muling sinubukan ng kung sino sa labas na pihitin ang doorknob. Tumayo si Miguel at pinatay ang ilaw sa kusina kay dumilim sa buong bahay. Sa ilalim ng pinto, sumisilip ang kauting liwanag at napatayo ako sa gulat nang matakpan ito ng anino, hudyat na may tao sa labas.
Lumapit agad si Miguel at hinila ako sa braso. "Shh..."
Nawala ang anino. Dahan-dahang naglakad si Miguel sa pinto ng backdoor habang hawak ang kamay ko. Ayokong lumapit pero alam kong dito lang kami maaaring makalabas sa oras na makapasok sa front door si Dante. Madilim at wala kaming makita pero nanatili lang kami sa likod ng pintuan.

BINABASA MO ANG
I'm Yours to Keep
General FictionCaroline meets the new student, and with his nerdy, shy vibe, he makes her feel safe right away. But it doesn't take long for her to realize she trusted him way too quickly. He ghosts her. No one knows where he went, and that's when she realized she...