Chapter 15

813 31 1
                                        

I watched them talk and laugh. Sinabi ko naman kay Gerard na magandang magkaroon din siya ng ibang kaibigan so this is good. Bumuntonghininga ako at pinilit na ngumiti.

"Hey." Narinig ko ang boses ni Miguel sa likod ko habang nakahawak siya sa siko ko at lumilingon sa paligid. "Doon ka sa harap, pina-reserve kita ng upuan."

"Kasama ko si Chelsea."

Bumaling siya sa 'kin. "Nasaan siya?"

Ako naman ang lumingon sa paligid at saka natanaw si Chelsea. Nakasuot siya ng kulay itim na dress at denim jacket. She brushed her hair with her fingers at saka tumango kay Miguel. "You, good?"

Jesus. Pulang-pula ang tainga ni Chelsea.

Tumango si Miguel sa kaniya at saka tinuro ang entrance. "Doon na kayo sa harap. May mag-aabot ng lightstick sa inyo mamaya."

Kumunot ang noo ni Chelsea. "Kasama namin sila Gerard at Mae."

Bahagyang umawang ang bibig ko dahil hindi ko inakalang alam niya palang nandito ang dalawa. Bago ko pa lingunin, natanaw ko na sa gilid ng mata ko na papalapit sila sa 'min. Tinapik ni Miguel ang balikat ko at saka itinuro ang isa pang entrance. "I'll be at the backstage. You behave."

Umirap ako sa kaniya at bumaling na kay Chelsea para kunin ang binili niyang ticket. Sabay-sabay kaming nagtungo sa entrance habang pinakikiramdaman ko si Gerard at Mae sa gilid ko. They're still talking about something kaya hindi ko na inabala pa.

Nag-vibrate ang cellphone ko pagpasok namin sa stadium kaya binasa ko ang text ni Miguel,

Sabay tayo pag-uwi. Wag mo na asahan yang nerd na pumoporma sa kaibigan mo

Napairap na lang ako at ibinulsa na ang cellphone ko. Tsk, he doesnt have to rub it in my face. Well, I love to see Miguel succeed in doing things that he loves kaya binabawi ko na ang sinabi ko kanina, ssana manalo sila. Nagtungo kami sa pinaka-unahan na madalas mga teacher at admin ang nakaupo pero dahil rock fest na rin ito, hindi na sila inabala pang imbitahin.

Naupo na ako sa pinakagilid ng gitnang row at inasahan kong si Chelsea ang katabi ko pero naunang maupo si Gerard. Nasa gilid niya na si Chelsea at sa tabi ni Chelsea ay si Mae.

I kept my eyes on the stage habang naghihintay kami na magsimula. Naririnig kong nag-uusap si Chelsea at Mae tungkol sa mga bandang kasali habang si Gerard, tahimik lang na lumilingon-lingon sa makikislap na ilaw sa dito stadium.

Maya-maya, naramdaman kong inilapit niya ang labi niya sa tainga ko kaya hindi ako nakagalaw.

"Nagtatampo ka ba?"

I shivered when I felt his warm breath on my neck. Fuck. Tumikhim ako at inilayo ang mukha ko habang nakatitig lang sa stage na sine-set-up pa. "Bakit naman ako magtatampo?"

Naupo siya nang diretso habang nakatingin pa rin sa 'kin. "Hindi mo 'ko kinakausap. Hindi mo rin ako tinitignan."

Lumingon ako sa kaniya at binigyan siya ng naghahamon na tingin. "Required ba?"

Kumurap siya at marahang umiling. Bumalik na siya sa pwesto niya kaya tumikhim ako at naaupo nang diretso.

"Do you want to eat anything?" tanong niya na tila nahihiya.

Nilingon ko siya at pinagmasdan. He's adorable tonight. He's wearing a pair of maroon pants, a black pullover, and a white polo-shit inside, but his built and face has always been remarkable. Tumaas ang tingin ko sa buhok niyang medyo kulot pababa sa kaniyang ilong hanggang sa labi niya. He blinked again and I saw sadness in his eyes kaya pinagmasdan ko siya nang mabuti. "Are you okay?"

I'm Yours to KeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon