Mabagal ang recovery ni Miguel, o baka naiinip lang talaga ako. I expected that he'd be okay in two weeks pero tumagal ng isang buwan ng paggaling niya. Halos araw-araw akong nangangamba na baka lumalala siya o may kulang sa iniinom niyang gamot kaya mabagal ang paggaling.
"You seriously should stop thinking about him. Go date someone else."
Natigil ako sa pag-iisip at bumaling kay Miguel. He sold his house and bought a new one, may balkonahe na ito kung saan kami nakatambay ngayon while Chelsea's in the kitchen making lunch. Bumuntonghininga ako at umiling bago muling tumitig sa mga punong nasa garden. "He gave you his blood, idiot."
He chuckled at inalis ang tingin sa libro. "Mabuti siya sa iba, pero sa 'yo?"
Two weeks after the incident, Gerard needed to leave again. He can't tell me about it, and I guess I'm in no place para pigilan siya. Ni hindi ko alam kung ano ako sa para kaniya. His job is demanding at hindi ako makikipagkumpetensya.
Mom needed me as her proxy sa isang competition kaya kinuha ko na ang bag ko at tumango. "Magpagaling ka nang mabuti at bigyan mo na 'ko ng pamangkin."
He chuckled and gave me a thumbs up. "Kahit sampu pa 'yan."
Hinampas ko siya at bumaba sa kusina. "Chels, I'm leaving."
Humarap siya sa 'kin habang hawak ang isang spatula at may suot na apron. She's really a wife material. I realized that I've never seen myself as a married woman.
"Have you talked to Gerard since he left?"
Umiling ako at ngumiti. "Maybe he's busy."
This is my first time to judge at a competition so I'm excited. Gaganapin ito sa isang hotel kaya nagmaneho ako patungo roon. When I entered the event hall, the crowd is a bit noisy. Nahahati ng isang aisle ang dalawang grupo ng mga upuan at sa harap ay isang mahabang lamesa.
"Hello, Miss Mendes." Isang usher ang lumapit sa 'kin at ngumiti.
"Hi. I'm here as a proxy of Caroline Isidro."
"This way, Ma'am." Iginiya ako ng usher sa aisle at saka inilahad ang isang upuan. Nasa apat na upuan ang narito at ako ng nasa ikalawa mula sa kanan.
Pinagmasdan ko ang paligid. The lights were dim habang nakapatay pa ang projector screen sa gilid. May elevated platform din sa gitna kung saan magpe-present ang mga contestant. Dumating pa ang dalawang judge kaya tinangunan ko sila at kinamayan.
"Nathania Cornel," said a gorgeous woman in a brigh red dress.
I smiled at her. "Caroline Mendes."
Nakipag-kamay din ako sa isang lalaking dumating. "Caroline. Nice meeting you."
"Good afternoon, Caroline. Dominik San Andres."
Tatlo na kaming narito at isang bakanteng upuan na lang ang natira. Maya-maya, natanaw ko ang isang lalaking papalapit mula sa gilid at agad akong natigilan. He's wearing a formal suit and he looks truly elegant.
He slowly nodded to me, recognizing my presence. Galing siya sa kaliwang side ni Nathania kaya ito ang una niyang kinamayan hanggang sa makarating siya sa 'kin. We shook hands before he sat beside me. Nanatili ang mata ko sa stage and my head took me back on the night of our first kiss.
Pinagpapawisan ako kaht air-conditioned ang lugar pero hindi ako makagalaw para kumuha ng panyo. The seats were not the close, but I can clearly smell his sent. What is he doing here? Nanunuyo at nagbabara ang lalamunan ko. I can also feel the welling of my eyes. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit isang araw, hindi kami mapaghiwalay pero sa mga sumunod ay tila hindi kami nag-e-exist sa buhay ng isa't isa.
BINABASA MO ANG
I'm Yours to Keep
Ficción GeneralCaroline meets the new student, and with his nerdy, shy vibe, he makes her feel safe right away. But it doesn't take long for her to realize she trusted him way too quickly. He ghosts her. No one knows where he went, and that's when she realized she...