Mom invited me over for dinner kaya sumama na ako sa kanila pagkagaling namin sa ospital. Sa dining area, naka-uniform pa si Hannah dahil galing sa school habang tahimik naman si Xander na nakikinig sa earphone. He's fond of audiobooks.
"I think you should live here, with us."
I looked at Mom. Tumingin din silang tatlo sa 'kin at nag-abang ng isasagot ko. This is the second time that she tried to convince me to stay. I smiled at them and slowly nodded kaya napangiti agad sila habang pinagmamasdan ako.
"I'd love to be with all of you."
The next morning, I started packing my things. Hindi rin ganoon karami ang gamit ko and I already looked for an orphanage kung sana pwedeng i-donate ang mga naiwan kong gamit at furniture. Habang nagliligpit, napansin ko ang isang photo album kaya agad ko itong kinuha.
I sat on the couch and opened it. Mga litrato namin ito ni Miguel, at may mga litrato rin ako kasama sila Chelsea at Mae. Nagpapagaling pa si Miguel at hindi ko alam kung kailan ko sasabihin sa kaniya ang nalaman ko kay Diego. It's important that he knows about this pero mabagal na ang recovery niya kaya ayoko nang dagdagan pa ang iniisip niya habang nagpapagaling.
My phone rang and it was him. "Hey."
"Hey, Care. Kumusta ang lipat-bahay?"
I chuckled at ipinagpatuloy ang pagtitingin ng mga litrato. "Nagliligpit pa lang ako."
"I'm happy for you. They are good persons."
Saglit akong natahimik dahil isa ito sa mga iniisip ko. Kung magiging pampalubag-loob ba ni Miguel na hindi niya totoong tatay si Diego o lalong manlulumo dahil hindi niya kilala kung sino ang tatay niya.
"Kaya you should get well, para makabisita ka sa 'kin doon."
"Of course, I will. Stay safe."
Naligo ako at nag-ayos bago tinapos ang pagliligpit. Next month na rin naman matatapos ang kontrata ko rito kaya hindi na ako nanghihinayang sa ibinayad ko rito. Pumasok na ako sa opisina at nang bandang hapon, nag-hire si Mommy ng truck para kumuha ng gamit ko sa apartment.
"Ma'ma?" Xyline knocked on my door at agad itong binuksan. "Meeting na for KMA."
Tumayo na ako at kinuha ang iPad sa lamesa. Pagdating ko sa conference room, naghintay pa kami sa ibang darating. Halos isang buwan naming plinano ang event na ito at polishing na lang ang kulang. The meeting went on pero ang mga mata ko'y paulit ulit na lang binabasa ang pangalan ng kompaniya sa papel.
Klay Modelling Agency. It's the company of Mae's mother. For their 28th Annual Model's Development Assembly next week, they partnered with us. Noong nakita ko ito sa line up, hindi ko na inasahang masasalubong ko pa si Mae. The last thing that we heard from her was that she flew to the US after we graduated. Mula noon, hindi na namin siya nakakausap pero nag-po-post sa social media once in a while.
I leaned against my chair as my eyes landed lazily at the human size letter B standee at the corner. So, are Mae and Gerard together? Umirap ako sa hangin, hindi na talaga ito nawala sa isip ko.
The weekend came and we did all the family things. Nanood ng movies sa labas, nag-dine out, um-attend ng piano recital ni Hannah at painting exhibit ni Xander. Linggo ng hapon, binisita ko si Miguel na nakakapag-work out na at handa nang bumalik sa trabaho next week.
I tried my best to focus sa buong weekend dahil madalas na naman akong nagsi-space out. Ganitong-ganito rin ako noong biglang nawala si Gerard. Hindi matanggap ng utak ko ngayon na hindi niya lang talaga ako sineryoso. He said he protected me, pero baka hanggang doon lang. Now that he's done, bumalik na siya sa sarili niyang buhay.

BINABASA MO ANG
I'm Yours to Keep
General FictionCaroline meets the new student, and with his nerdy, shy vibe, he makes her feel safe right away. But it doesn't take long for her to realize she trusted him way too quickly. He ghosts her. No one knows where he went, and that's when she realized she...